Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam.
Ayon kay De Guzman, kabilang sa mga nasugatan ay ang katabi nitong si Ka Nanie at mga Manobo tribe na sina Datu Arroyo, isang nagngangalang Ager at si Robert Nabatian.
Nangyari ang pamamaril sa kanila nang magsisimula na sanang magtayo ng kanilang mga bahay ang mga Manobo sa apat na ektaryang lupa na inaangkin umano ni Mayor Lorenzo.
Ang nasabing lupa ay bahagi lamang ng 900 ektarya na ancestral domain ng mga Manobo na kinakamkam umano ng alkalde. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos sa NIA na lawakan ang irrigation coverage sa Occidental Mindoro
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems na sasaklaw ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para palakasin ang agricultural production. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang government assistance […]
-
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’ “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”
ITO ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila. Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event. “Sa sambayanang […]
-
PBBM, nangako na palalakasin ang RAIL TRANSPORT System ng Pinas
IPAGPAPATULOY ng gobyerno na gawing mas ‘seamless at modernisado’ ang transport system sa bansa. “Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , matapos pangunahan ang inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 sa Parañaque […]