• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidential bets naniniwala na ‘tao at sistema’ ang nagpapalala sa korapsyon sa PH

NANINIWALA ang mga presidential bets na ang kasalukuyang sistema at ang mga taong nasa likod nito ang nagpapalala sa korapsiyon sa bansa.

 

 

Ayon kay Vice President Leni Robredo, tao at sistema ang nag-contribute sa problema, kaya kung siya ang mahalal na pangulo ang kaniyang unang executive order ay ang full disclosure.

 

 

“Dapat ang sistema pinipilit ang mga tao na maging mabuti,” wika ni VP Leni Robredo.

 

 

Sa panig naman ni Senator Ping Lacson, sinabi nito na hindi mahina ang sistema ng bansa, bagkus maraming mga batas, institusyon na tumatakbo.

 

 

Giit ni Lacson, ang problema ay ang kahinaan umano ng tao sa gobyerno.

 

 

Ayon naman kay Senator Manny Pacquiao, nais niyang makulong ang mga corrupt.

 

 

“Magpapatayo ako ng MP o mega prison. Sa dami ng corrupt, baka hindi sila magkasya sa ordinaryong kulungan,” wika pa ni Sen. Pacquiao.

 

 

Ipinunto naman ni Ka Leody na ay ang corruption ay dahil sa political dynasties na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para magnakaw sa kaban ng bayan.

 

 

Si Mayor Isko Moreno naman, isusulong daw niya na magbabayad ng tamang buwis ang lahat.

 

 

Gagayahin din daw niya niya ang ginawa nilang proyekto sa Maynila na naibsan na ang mga fixers dahil wala ng dadaanang tao sa pagbabayad ng buwis kundi sa modernong pamamaraan o digitalization.

Other News
  • Mga padala mahigpit na dini-disinfect sa China bilang pag-iwas sa COVID-19

    MAHIGPIT na inatasan ng postal service sa China ang kanilang empleyado na magsagawa ng pag-disinfect sa lahat ng mga international deliveries.     Malaki kasi ang hinala nila na ang mga padala mula sa ibang bansa ang siyang nagdulot ng coronavirus outbreak.     Bilang paniguro ay naghigpit ang postal service ng China sa nasabing […]

  • Ads July 5, 2021

  • Pacquiao bilib kay Marcial

    Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.     Naitarak ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay Arman Darchinyan ng Armenia sa men’s middleweight quarterfinals kahapon sa Kokugikan Arena.     Ang panalo ang nagbigay katiyakan kay Marcial ng awtomatikong […]