• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidential Spokesperson Harry Roque positibo sa COVID-19

Kumpirmadong nahawaan ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang pagbagbalita, Lunes.

 

 

Aniya, kakukuha lang niya ng resulta ngayong umaga mismo — ilang oras bago samahan si Duterte mamaya.

 

 

“As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa COVID,” sambit ni Roque sa isang press briefing kanina.

 

 

“Itong test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana ngayon, para sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo po ay positibo.”

 

 

Asymptomatic o hindi naman daw nakararamdam ng sintomas ng COVID-19 si Roque, dahilan para maging “shocked” at surprised” siya sa resulta.

 

 

Bago ito, nag-negatibo naman daw sa COVID-19 testing si Roque noong ika-10 ng Marso bago niya samahan si Duterte sa Dumaguete noong Huwebes.

 

 

Samantala, iginigiit naman ni Roque na hindi niya naging close contact si Digong kung kaya’t wala naman daw dapat ikabahala sa kalusugan ng pangulo.

 

 

“Negative po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the President. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar,” sambit niya pa.

 

 

Plano na raw ni Roque magtungo sa isang isolation facility lalo na’t may comorbodity ang kanyang misis.

 

 

Nagpapa-test na rin daw ang kanyang asawa lalo na’t kasama silang matulog. “If she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also because we have to walk the talk,” saad pa niya.

 

 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, umabot na sa 621,498 ang tinatamaad ng COVID-19 sa Pilipinas. 12,829 sa bilang na ‘yan ang patay na. (Daris Jose)

Other News
  • CARLO, tahimik lang at wala pang reaction sa hiwalayan issue

    PALAGING nahihigitan ng Asia’s Multimedia Star ang expectation sa kanya.     Nagawa na naman ito ni Alden dahil sa kanyang Alden ForwARd online documentary concert noong January 30.     Halos karamihan ng mababasang comment ay sinasabing, “It is your best concert to date, ginalingan masyado.”     True to his words, ‘yung Richard […]

  • ‘Di tatanggi si Julia sakaling mag-propose na siya: GERALD, pinag-iisipan at pinaghahandaan na ang pagpapakasal

    THROUGH her Facebook and IG accounts ay nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanood ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.     Tama ang sinasabi ng mga nakapanood ng repeat ng Iconic na mas maganda ito compared sa napanood nila three years ago. Mas maganda ang repertoire at may mga bagong […]

  • Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela

    INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.     Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng […]