• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen

KASUNOD ng naging kontrobersiya sa New Bilibid Prison (NBP), planong paghiwa-hiwalayin ng piitan ang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), depende sa nagawang krimen.

 

 

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya lamang mag-accommodate ng 6,000 inmates.

 

 

Kabilang sa plano na pagsama-samahin ang mga preso sa bawat rehiyon ay mga karumal-dumal na krimen tulad ng murder, rape at may kaugnayan sa iligal na droga.

 

 

“Sa tatlong region na ‘yun, mamimili tayo saan ba ‘yung drugs, saan ba ‘yung rape, saka saan ba ‘yung murder.

 

 

Hindi namin sila pagsasama-samahin. So, maghi-hiwalay-hiwalay ‘yang mga ‘yan,” ayon kay Catapang.

 

 

Natukoy na ng BuCor ang mga lugar ng regionalization na kinabibilangan ng Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao region.

 

 

Sa regional prisons ay magkakaroon din ng maximum, medium at minimum facilities.

 

 

Mas magiging madali na rin sa mga kaanak ng PDLs na madalaw ang kanilang mahal sa buhay kung mayroong regional penitentiary, kaysa pumunta pa sa NBP na malayo ang panggagalingan.

 

 

Masosolusyunan din ng regionalization ang problema sa ‘unclaimed’ cadaver ng PDLs, na dumarami dahil sa isyu ng pagbibiyahe kung iuuwi pa sa kanilang mga lalawigan.

 

 

Noong Biyernes ay ipinalibing ng BuCor ang nasa 60 bangkay na matagal nang nakatengga sa Eastern Funeral Services, sa Muntinlupa City.

 

 

Sa darating na Biyernes naman ay nakatakdang ipalibing ang 60 pang bangkay ng PDLs. (Gene Adsuara)

Other News
  • carlo Yulo and POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino

    HINDI lamang isa kundi dalawang house and lot sa Tagaytay City ang ibi­nigay ng Philippine Olympic Committee (POC) kay Olympic Games double-gold medalist Carlos Yulo. Sinabi kahapon ni POC president Abraham ‘Bambol’  Tolentino na ang regalo sa Pinoy star gymnast ay para sa makasaysayan nitong dalawang gintong medalyang kinuha sa nakaraang 2024 Olympics sa Paris, […]

  • 70 milyong COVID-19 doses, naiturok na ng Pilipinas- Galvez

    IBINALITA ng gobyerno na may 31,868,120 Filipino ang ganap na nabakunahan, bahagi ng kabuuang 70,677,771 vaccine doses na naiturok “as of Monday.”   Dahil dito, sinabi ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na kumpiyansa ang pamahalaan na 54 milyong Filipino ang makatatanggap ng one dose bago matapos ang buwan ng Nobyembre.   “With our […]

  • 24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS

    DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, […]