• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI

MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

 

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor.

 

“They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas naka-commit na siya. Ngayong tumaas na, as they are producing, sabi niya he’s losing like P15 million a month, lugi po,” ani Lopez sa isang Senate hearing.

 

“Higher na ‘yung cost niya but nag-commit siya ng P8 sa atin pero itinuloy niya pa rin ‘yun but the succeeding [batch] po there might be some adjustments,” dagdag pa ni Lopez.

 

Ayon sa kalihim na kayang magproduce ng local manufacturer ng 2.4 milyong face mask sa isang buwan at halos 1.6 milyon nito ang dumidiretso sa gobyerno sa presyo P8, mas mababa ito sa P25 hanggang P50 kada piraso na presyuhan ngayon.

 

Hinikayat naman ng Department of Health ang publiko na huwag mag-hoard ng mga face mask.

 

“Iwan na po natin ‘yung mga face mask para po sa ating mga health workers na sila po talaga ang frontliners sa pangangalaga ng ating mga may sakit,”pahayag ni Duque. (Gene Adsuara)

Other News
  • 4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, […]

  • ABS-CBN, humingi ng tawad kay Duterte sa ‘di pag-ere ng ilang 2016 poll ads nito

    Humingi ng tawad sa Senate hearing si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kung sumama ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ere ng network ng isang kontrobersiyal na political advertisement noong 2016.   “We are sorry if we offended the president. That was not the intention of the network. We felt that […]

  • Ads May 6, 2023