• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng gasolina sisirit uli; diesel, kerosene may katiting na rollback

Panibagong bigtime price hike ang ipatutupad ngayong araw ng mga lokal na kumpanya ng langis sa presyo ng gasolina na ika-10 sunod na linggo na ng pagtaas.

 

 

Samantala may kaunting rollback naman sa mga produktong diesel at kerosene.

 

 

Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng P1.15 dagdag sa kada litro ng unleaded gasoline habang rollback na P0.35 naman sa diesel at P0.30 rollback din sa kerosene pagsapit ng alas 12:01 ng madaling araw.

 

 

Gayundin ang dagdag presyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, subalit magsisimula ito alas 6:00 ng umaga ng Martes.

 

 

Sumunod din sa nasabing presyuhan ang mga small players. (Gene Adsuara)

Other News
  • Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, […]

  • JICA president Tanaka, nag-courtesy call sa Malakanyang

    NAG-COURTESY CALL si Japan International Cooperation Agency (JICA)president Akihiko Tanaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.   “JICA has always been an important partner for the Philippines. It started only with infrastructure, but now you have also expanded into other areas, so we hope we can continue, especially the […]

  • Walang kapaguran ang ‘Super Ate’ ng Pangulo: Sen. IMEE, todo arangkada para kanyang mga adbokasiya

    SAMAHAN si Senadora Imee Marcos sa pag-ikot niya sa bansa para sa kanyang mga public service advocacies.   Lahat nang ito ay mapanonood ng libre sa kanyang official YouTube channel ngayong weekend.   Sa araw na ito, Nobyembre 11, silipin ang kanyang bagong vlog, sa pagtungo nang walang kapagurang Senadora sa Cebu para sa kanyang […]