Presyo ng harina posibleng tumaas
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG magkaroon ng pagtaas ng presyo ng harina sa bansa.
Ayon kay Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca, na ilan sa mga factors kaya tumaas ang kanilang presyo ay ang patuloy na giyera sa Ukraine at Russia, tag-tuyot sa US at ang export ban sa India.
Paliwanag nito na nahaharap ang bansa sa krisis sa pagkain kahit na mayroong sapat na trigo sa mundo ay kalahati sa mga ito ang hindi nai-aangkat.
Aabot kasi sa 20 milyon metric tons ng trigo ang hindi nakakaalis sa Odessa port matapos na harangin ito ng Russia.
Inamin din nito na sa 23 flour miller sa bansa ay nagbawas na ang mga ito ng kanilang ginagawang harina dahil sa taas presyo ng mga imported wheat. (Daris Jose)
-
NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI
NAGSASAGAWA ng monitoring angĀ National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputangĀ pekengĀ Covid-19 vaccines sa bansa. Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA). […]
-
Ipinarating kung gaano siya kapalad: KARYLLE, may madamdaming mensahe sa pagpanaw ng ama
INANUNSYO ng ‘It’s Showtime’ host na si Karylle ang pagpanaw ng kanyang ama na si Modesto Tatlonghari. Sa isang Instagram post, ipinakita ni Karylle ang ilang larawan sa simbahan at ang misang isinagawa para sa yumaong ama. Inalala rin ni Karylle ang pagmamahal ng ama sa kanyang madamdaming […]
-
Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril
NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin. […]