• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI

NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan. 
Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng  price guide.
Gayunman, may ilang manufacturers  ang nagpalabas ng  advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40.
“Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para din naman number 1, kung pwede itemper yung increase kung possible pa po yun. Yung submitted sa amin walang lumampas ng P50. Meron pa ngang may decrease,” ayon kay Ann Claire Cabochon, officer-in-charge of DTI Consumer Protection Group.
Sinasabing ang presyo ng ham sa Quiapo ay tumaas bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga ingredients at raw materials.
Sa ulat, may nagsasabing tumaas kasi ang asukal, mga ginagamit sa paggawa ng ham at plastic kaya tumaas ang presyo ng ham.
Napaulat din na ang  presyo ng  Chinese ham ngayon ay tumaas ng  P1,640 mula sa  P1,540 noong nakaraang taon habang ang  scrap ham ay tumaas din ng P1,560 mula P1,520 noong nakaraang taon.
Sa kabilang dako, napaulat na rin na ang presyo ng American ham lalo na sa  Trabaho market ay tumaas ng P220 mula sa  P200 kada kilo.
Ang ng cream ay tumaas ng P8 hanggang P15 habang ang salad at elbow macaroni ay tumaas ng P4 hanggang P27.
Ang kasalukuyang presyo naman ng puting asukal sa Kalakhang Maynila ay nananatili sa P106 sa grocery at supermarket,  habang P100 sa mga palengke. (Daris Jose)
Other News
  • P103K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM, 27 PANG TULAK, BINITBIT SA BUY BUST SA CAVITE

    TINATAYANG P103K halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang tulak habang dalawampu’t-pito na iba ang binitbit sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite .     Kinilala ang mga naaresto na sina Emily Valerio y Santos, dalaga, 62  ng 1st St. Sto. Niño, Niog 3, Bacoor […]

  • Gamutan sa pabalik-balik na sakit, sagot na ng PhilHealth

    SAGOT na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pabalik-balik na pagpapagamot at pagpapaospital dulot ng kaparehong sakit sa loob ng 90 araw.     Ito naman ang magandang balita ng PhilHealth kung saan nagsimula na ito noong Oktubre 1, 2024 matapos na alisin ang Single Period of Confinement o SPC rule.     Nabatid […]

  • Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan

    IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA.     Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang […]