• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA

SUMIRIT  din ang presyo ng itlog sa ibang bansa.

 

 

Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y  kasalukuyang global issue.

 

 

Base sa pinakabagong data ng DA,  sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs ay may presyo na P9  kada piraso sa ilang pamilihan sa Kalakhang Maynila.

 

 

Gayunman, sinabi ng ahensiya na ang presyo ay hindi dapat na tumaas na kasing-taas ng kanilang ‘current rate’ lalo na kung ibabase sa  production costs.

 

 

“Mayroon po tayong nakita na P6.20 na cost to produce tapos syempre may iba pang incidental cost P7 pero again to factor in agricultural input at P7.20 tapos ‘yung byahero plus retailer ang per piece po hindi po dapat aabot ng P9 per piece ang itlog,” ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

 

 

Sa kabilang dako, batay naman sa pinakabagong survey ng Philippine Egg Board (PEB), ang farmgate prices sa iba’t ibang parte ng bansa ay ang mga sumusunod:  P5.93 kada piraso sa Cebu;  P6.50 sa Laguna, at P9 sa Iloilo.

 

 

Sinabi pa rin ng PEB na ang pagtaas ng presyo ay problema rin sa ibang bansa gaya ng Japan,  Estados Unidos, at New Zealand.

 

 

Sa ulat, ang presyo ng itlog sa New Zealand ay P20.76 kada piraso piece; P17.59  kada piraso sa Amerika; P11.41 kada piraso sa United Kingdom, at P8.58 kada piraso sa  Japan.

 

 

“Hindi lamang ito sa Pilipinas nararanasan but we are open din to look for a solution that will protect our producers,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

 

 

“One of the solutions to lower the prices is to reduce the production costs of egg farming,” ayon naman sa DA.

 

 

Subalit para sa Philippine Egg Board Association (PEBA), mahalaga na konsultahin ang lahat ng stakeholders at pag-aralan ang karagdagang halaga na ipinataw sa pagbebenta ng itlog.

 

 

“Kausapin din nila ‘yung mga middleman, ‘yung mga biyahero tsaka ‘yung mga retailers para tanungin nila bakit ganoon,” ayon kay PEBA chairperson Gregorio San Diego. (Daris Jose)

Other News
  • Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na

    PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title.   Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division.   […]

  • Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumataas na rin

    TUMATAAS na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa iba’t ibang parte na ng bansa, ayon sa OCTA Research Group.     “Cases in regions outside ‘NCR Plus’ are increasing,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David. “All over the country, we’re starting to see […]

  • PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar

    IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.     Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.     Ayon kay PNP Director […]