• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng petrolyo, muling tumaas

May panibagong dagdag presyo ang mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong Martes ng mga kompanya ng langis sa bansa.

 

 

Unang magpapatupad ng dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P1.00 sa kerosene ang Chevron Corporation sa pagdating ng alas-12:01 ng madaling araw.

 

 

Susundan ito simula alas-6:00 ng umaga ngayon (Pebrero 23), ng Pilipinas Shell at Petron Corporation na magpapatupad din ng katulad na presyo sa kada litro ng nasabing mga produkto.

 

 

Ito ang pang-anim sa magkakasunod na price hike simula ng Enero ng taong kasalukuyan.

 

 

Gayundin ang PTT Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Total Philippines at Seaoil na magtataas ng P1.20 sa kada litro ng gasolina at P0.95 sa diesel epektibo alas- 6:00 ng umaga.

 

 

Alas 4:01 ng hapon ay saka lamang maningil ng taas-presyo ang Clean Fuel sa parehong halaga ng gasolina at diesel.

 

 

Sinabi ni PTT Philippines Internal Communication Officer Jhay Julian na ang mataas na demand sa langis sa pandaigdigang merkado ang nagdidikta ng pagtataas ng presyo sa kabila ng pandemya.

Other News
  • FIGHT FOR LOVE

    MALE CHAUVINISM!!!Ayan ang matagal ng problema ni Max sa kanyang trabaho. Bakit hindi siya mabigyan ng fair chance porke’t male dominated job ang fire fighting? Hindi maalis sa isip niya ang natanggap na pa-welcome sa kanya.     “One month…I’ll give you one month para patunayan ang sarili mo.”     Sa dulo ng mahabang […]

  • 7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima

    ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.     Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa […]

  • Kasama sa list of finishers ayon mismo sa organizers: RHIAN, naglabas ng proof na natapos nila ni SAM ang NYC Marathon

    MAY sagot na si Rhian Ramos kalakip ang NYC Marathon letter tungkol sa ibinalitang hindi raw nila natapos ang race ni Rep. Sam Verzosa. Ayon sa Kapuso actress, “I emailed New York Road Runners to ask why 3 of our splits were missing… here’s their response (Yup! Fact checking is THAT easy!)” Sumagot naman ang […]