Presyo ng pulang sibuyas, pumalo na sa Php340 kada kilo; siling labuyo sa Php700 kada kilo
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
TUMAAS na sa P340 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas lalo’t ilang linggo na lamang ay araw na ng kapaskuhan habang ang siling labuyo naman kahit sa pinakamaliit ay pumalo sa P700 kada kilo sa ilang mga pamilihan sa gitna ng mahigpit na supply nito.
Batay sa price watch ng Dept. of Agriculture , ang mga pulang sibuyas ay ibinebenta partikular na sa mga pamilihan dito sa Metro Manila sa halagang aabot sa P340 kada kilo.
Sa ibang pamilihan naman, umabot sa P300 kada kilo ang retail prices ng sibuyas mula sa presyo nito noong nakaraang linggo na naglalaro lamang sa P270 pesos kada kilo.
Dagdag pa ng Dept of Agriculture, ang retail price ng siling labuyo ay nasa P700 kada kilo at Nabibili ito ng P550 hanggang P650 kada kilo sa ibang mga bilihan o supplier ng nasabing produkto.
-
Ads July 20, 2023
-
Iniyakan na lang at ‘di sumagot sa bashing: GILLIAN, inaming nagka-trauma nang madawit sa hiwalayang KathNiel
NANININDIGAN ang Kapamilya young actress at newest endorser ng Beautederm na si Gillian Vicencio, na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kaya inamin niya na na-hurt talaga sa mga nam-bash sa kanya nang madawit sa pinag-uusapan pa ring breakup nina Kath at DJ. Nababasa raw kasi niya ang […]
-
4 kalaboso sa shabu at pagnanakaw ng mga cable wire
ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagbabalat at nagpuputol ng mga ninakaw na cable wire ng isang telephone company kung saan tatlo sa mga ito ang nakuhanan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang mga naarestong suspek na sina Lester Bernardo, 32, Joselito Samson, […]