• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pribadong kumpanya, maaaring humirit ng ‘cost reimbursement’ sa gobyerno para sa biniling COVID-19 vaccine para sa pamilya ng mga empleyado

PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang empleyado.

 

May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito.

 

“Ang polisiya po ng gobyerno, unang una, basta inorder po yan para doon sa mga taong nag-order at hindi makakarating sa ibang mga tao, hindi ibebenta sa ibang tao, at pangalawa reimbursement for cost po ‘yan at walang profit, ‘yan po ay pinapayagan ng ating gobyerno,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang mga bakuna ayon kay Sec. Roque ay kailangang bilhin sa pamamagitan ng tripartite deal sa pagitan ng kumpanya, gobyerno at vaccine manufacturers.

 

“Hindi po isyu yung cost-sharing na sinisingil ng ilang mga kumpanya, provided inorder talaga ‘yan at hindi makakarating sa ibang tao,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, pumalo na sa 12 milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

 

Ayon kay National Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon, sa nakalipas na apat na araw, umabot sa isang milyon ang nabakunahan.

 

Sa ngayon, nasa 17.4 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.

 

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Filipino para maabot ang population protection.

 

Una rito, umaasa ang pamahalaan na makapagdiriwang na ng Pasko ngayong taon ang Pilipinas na hindi na kailangan na magsuot ng face mask at face shield bilang pangontra sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.     Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.     “Ang timeline ko rito mga six months […]

  • Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%

    NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).     Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas […]

  • Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

    Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.   Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.   Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.   […]