• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price cap, pinatatag ang presyo ng bigas- PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ipinag-utos na price ceiling  para sa bigas ay nakatulong para patatagin ang presyo ng  kalakal sa merkado.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagiging matatag ng presyo ng ibigas sa merkado ay isa  sa mga dahilan na nag-udyok sa gobyerno na bawiin ang implementasyon ng Executive Order (EO) No. 39, nagpapataw ng P41.00 price ceiling sa  regular milled rice at P45.00 price cap sa well-milled rice.

 

 

Kinatigan  naman ang mga mambatatas na ang pagpapataw ng price cap sa bigas ay kasama sa mga dahilan kaya’t naging matatag ang presyo ng bigas.

 

 

Sa ginawang pagbawi sa  price ceiling, pinanindigan ni Pangulong  Marcos na kailangang magpatuloy ang tulong para sa apektadong sektor kabilang na ang pagsisikap na palakasin at palaguin ang  agricultural sector ng bansa.

 

 

Tiniyak naman ng Pangulo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang paghahanap ng tamang paraan para bawasan ang ‘cost of production’ sa gitna ng pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

 

 

Sa kabilang dako, sa maikling  video message ng Pangulo, sinabi nito na nagsagawa na ang gobyerno ng interbensyon sa kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng pamamahagi ng bigas sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa iba’t ibang bansa ng bansa at ang pagsisikap na palakasin ang agricultural sector sa bansa.

 

 

Namahagi naman si Pangulong Marcos ng  mga sako ng bigas sa  4Ps beneficiaries sa Tungawan, Zamboanga Sibugay; Brgy. San Roque, Zamboanga City; Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite; Iriga City, Camarines Sur; San Andres, Manila; Dapa Municipal Gymnasium, Siargao Island, Surigao del Norte; San Jose, Dinagat Islands; at, Lower Bicutan, Taguig City.

 

 

Namahagi rin ang Punong Ehekutibo ng sako nng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Roxas City, Capiz; Antique; at, Aklan.

 

 

“Nagugulat nga ang mga tao dahil sako-sako ang pinamimigay natin. Pero kahit mabigat, dahil masaya sila ay nabubuhat nila ang 25 kilos ng bigas. Malaking bagay na po ‘yan para pantawid sa kanilang mga gastusin sa pagkain para sa ilang linggo,”  anito.

 

 

Ang mga sako ng bigas na ipinamahagi ng Pangulo sa mga benepisaryo ng 4Ps ay bahagi ng mahigit sa 42,000 sako ng bigas na nakumpiska ng  Bureau of Customs (BOC) sa isa sa kanilang operasyon sa  Zamboanga City at dinonate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos na mabigo ang mga  importers na magpakita ng legalidad ng kanilang importasyon.

 

 

“Bakit natin ito ginagawa? Dahil dapat talagang direktang nakikinabang ang taong-bayan sa kawalang hiyaan nitong mga smuggler at hoarder na ito. Malinaw ito na mensahe mula sa pamahalaan na lahat ng uri ng pagmamanipula ng presyo ng bigas at iba pang mga bilihin ay nagpapahirap sa ating mga mamayan at walang lugar ito sa isang Bagong Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Kung hindi nakasunod sa batas, hindi natin papayagan para hindi kayo nahihirapan. Ang presyo ng bigas ay hindi napaglalaruan at ang supply ng bigas ay sapat,” dagdag na wika nito.

 

 

Inaprubahan naman ni Pangulong  Marcos ang pagpapalabas sa P12.7 bilyong piso para tulungan ang mga maliliit na  rice farmers  na mapanatili ang kanilang productivity sa ilalim ng  Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program habang P700 million na sobra sa koleksyon ng taripa para naman  “Palayamanan Plus” conditional transfer sa ilalim ng Household Crop Diversification Program.

 

 

“Kasama rin diyan ay ginawan natin ng paraan upang ang mga truck na nagde-deliver ng ating mga pagkain ay hindi na nahaharang sa lahat ng boundary na dinadaanan nila kaya’t bababa ang presyo ng transportasyon, bababa ang gastos ng mga transporter at magiging mas mabilis ang pagdaloy ng pagkain mula sa ating mga magsasaka hanggang sa ating palengke,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, mas ‘concerned’ ang Pangulo sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado kaysa sa kamakailan lamang na survey.

 

 

“Katotohanan niyan, hindi masyado natin tinitignan ang survey number, ang tinitingnan natin kung talaga bang bumababa ang presyo ng bigas at kung talaga bang umaabot ang supply ng bigas sa lahat ng ating mga mamayan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Iyan ang tunay na panukat kung talagang tama ang ating ginagawa at nakikita naman natin sa resulta, pag-stabilize ng presyo dahil sa price cap at sa pagtanggal ng price cap at sunod na diyan ‘yung ating ibang mga stratehiya para tulungan ang ating mga farmer para naman hindi nalulugi ang ating mga magsasaka,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Mga kababayan, ginagawa natin ang lahat upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-stabiliza at pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Walang ibang sukat sa ating panunungkulan ang tumutumbas sa makita ngayon kung komportable at maginhawa ang tao. Iyan ang aking sukatan. Walang gutom o pangamba pagdating sa pagkain, iyan po ang ‘Bagong Pilipinas.’ ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ

    TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo.     Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng […]

  • Ads September 24, 2024

  • Catriona, nag-react din sa fake news: SHARON, ‘di na nakapagpigil mag-post tungkol sa ‘fake products’ na ini-endorse

    HINDI na nga nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na mag-post sa kanyang Instagram account para magpaalala at bigyang linaw na isang malaking ‘fake news’ ang mga kalat na kalat na mga produkto na in-endorse daw niya.   Kaya naman, tiyak na gigil na gigil si Mega habang tina-type ang kanyang post na dahil may bago […]