Price cap sa bigas, ‘going as well as we can expect’- PBBM
- Published on September 14, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na “going as well as we can expect” ang ipinataw niya na price ceiling sa bigas.
Sa katunayan, unti-unti ng nakapag-adjust ang mga retailers sa price cap, iyon ay kahit pa may ilan ang pansamantalang itinigil ang pagbebenta ng bigas para maiwasana ng pagkalugi.
“We just had a meeting about that this morning, so far the implementation and enforcement is going as well as we can expect,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang chance interview.
“Syempre nag-aalangan din yung ibang retailer at hindi natin pwedeng sisihin dahil nga hindi sila nakakatiyak nga doon sa ating ibibigay na kapalit… Titingnan na lang natin kung papaano ang takbo,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Nauna rito, sinabi ni KMP chairperson Danilo Ramos na kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng bigas sa bansa.
Isa ring dahilan aniya ang Rice Tariffication Law sa pagsipa ng presyo ng bigas.
Sinisi rin ni Ramos ang National Food Authority (NFA) na wala umanong binibiling palay mula sa mga magsasaka sa halip ay umaasa na lang sa importasyon ng nasabing produkto.
Dahil dito, Ipatupad na simula sa Setyembre 5, 2023 ang executive order (EO) No. 39 ni Pangulong Marcos na nagtatakda ng price cap sa bigas.
Batay sa kautusan, hindi dapat lumampas sa P41.00 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice, at P45.00
Pero ang ibang nagtitinda ng bigas, nangamngamba na hindi nila kayanin ang itinakdang presyo ng Palasyo dahil mas mataas ang kanilang puhunan.
“A ban on rice exports by major producer India, the war in Ukraine, and unstable world oil prices have also “caused an alarming increase in the retail prices of this basic necessity”, dagdag na wika ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)
-
PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na lutasin ang power crisis sa bansa. Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng nuclear technologies at services. Sa meeting sa Washington, nagpahayag ng […]
-
Ads July 29, 2021
-
Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez
Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully […]