Price ceiling sa bigas, desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko
- Published on September 4, 2023
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang Gabriela Women’s Party na ang ipinalabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos para sa pagtatalaga ng price ceilings sa bigas ay isa umanong desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko sa kabiguang maipatupad nito ang pangako noong kampanya na gawing P20 ang kada kilo ng bigas.
Ayon sa Gabriela, pangunahing tatamaan nito ang maliliit na retailers – na siyang nasa dulo ng suplay chain – sa mataas na farmgate palay prices dulot ng magastos ng production inputs.
Dagdag pa ang kakulangan ng hakbang para kurbahan ang hoarding at price manipulation ng ilang rice importers at sindikato.
Sa halip na magpatupad ng artipisyal na price controls, dapat na suspindihin agad ni Presidente Marcos ang suspensyon ng Rice Liberalization Law at magbigay ng subsidiya sa mga apektadong magsasaka dulot ng rice imports at bagyo.
“Higit na kailangan ng interbensyon sa kartel ng bigas sa bansa na pangunahing nakikinabang sa importasyon at mataas na presyo ng bigas. Dapat na matigil ang pagsandig ng bansa sa imported na bigas – lalo’t papatataas ang tunguhin ng presyo ng bigas sa pandaigdigang antas at nanalasa ang isang global food crisis.” (Ara Romero)
-
Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom
HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom. “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco. […]
-
Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH
PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit. Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon. […]
-
Ads September 20, 2024