• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price ceilings sa school supplies ipatupad

PINAKIKILOS  ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.

 

 

Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies  sa halip na Suggested Retail Price (SRP).

 

 

Inihayag ng solon , nababahala siya na dahilan sa mataas na presyo ng mga school supplies ay mapagkaitan ng edukasyon ang mga estud­yanteng mula sa mahihirap na pamilya.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng krisis sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at maging sa serye ng pagtaas ng presyo ng ­langis at iba pang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

 

 

Sinabi ni Tulfo na kung tataas ang presyo ng school supplies at maging ng tuition fees ay maraming mga estudyante ang hindi na makakabalik eskuwela.

 

 

Una nang inihayag ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na magbabalik eskuwela na ang mga estudyante sa Agosto pero ang full face-to-face classes ay isasagawa na muli  sa darating na Nobyembre ng taong ito. (Ara Romero)

Other News
  • Tsina, itinanggi na hina-harass ang Pinas

    MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig.           “There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” […]

  • Kiefer out na sa SEA Games

    ANG  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games.     Ito ay matapos magdesisyon si Ravena na ito na ang kanyang huling SEA Games matapos ang anim na edisyong paglalaro nito sa biennial meet.     Inihayag nito ang […]

  • Carlos Yulo, nagpakitang-gilas sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics

    NAGPAKITANG-gilas si Carlos Yulo sa kanyang dalawang pet events sa men’s gymnastics individual qualification sa 2024 Paris Olympics sa Bercy Arena.         Namayagpag ang 24-anyos na Filipino gymnast sa kanyang paboritong floor exercise, at nakapagtala ng 14.766 puntos, provisionary second spot sa naturang event.       Nangunguna sa floor exercise si […]