• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity

TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong  Ulysses.

 

“Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga bilihin [sa mga lugar under State of Calamity] ay frozen sa kanilang prevailing prices sa ilalim ng automatic price control sa loob ng 60 araw,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isinagawang  National Disaster Risk Reduction and Management Council briefing.

 

Sinabi ni Sec. Roque na kabilang sa mga lugar na nakataas at dapat na ipatupad ang price freeze ay ang Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan, at Camarines provinces at maging sa  Marikina City at Rizal.

 

Sa ilalim ng Section 6 of the Price Act, “if the prevailing price of any basic necessity is excessive or unreasonable, the implementing agency may recommend to the President the imposition of a price ceiling for the sale of the basic necessity at a price other than its prevailing price.”

 

Other News
  • Drug money sa Barangay, SK elections babantayan ng PNP

    HINDI  lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money.     Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, posibleng kumalat ng drug money o pera galing sa transaksyon ng iligal na droga sa panahon ng […]

  • Ads May 28, 2024

  • 2 U-turn slots sa EDSA muling binuksan

    Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na udyokan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City.   Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng […]