• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price rollback, posible sa susunod na linggo-Cusi

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

 

 

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bunga di umano ng mga pinakabagong pangyayari sa Ukraine, Russia, at China.

 

 

Sinabi ni Cusi na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kung patuloy din na bababa ang presyo ng krudo sa world market.

 

 

“Next week po, inaasahan nating bumaba ang presyo ng petrolyo kung tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo sa merkado,” ayon kay Cusi.

 

 

“Dalawang bagay ang nakapagpababa. Ang isa po is the lockdown in China because of COVID and ang projection ng lower demand for oil by China. Itong dalawang araw na tuloy-tuloy na pag-uusap between Russia and Ukraine, medyo na-temper din po ‘yung demand for oil,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, umabot na sa P90.39 kada litro ang gasolina; P84.76 sa diesel, at P84.17 sa kerosene.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo, pumalo na sa $150 per barrel ang krudo sa world market. Subalit, ngayong linggo, naglalaro ito sa $100 level.

 

 

Sinabi pa ng Kalihim, sa kanyang pagtataya ay posibleng P5 per liter ang matapyas sa presyo ng gasolina at P12 sa diesel sa susunod na linggo.

 

 

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Cusi na sapat ang suplay ng krudo sa Pilipinas sa kabila ng nangyayaring krisis sa Ukraine at Russia.

 

 

“Sinigurado natin ang supply. Nakipag-usap tayo sa lahat ng mga industry players ng assurance sa supply. Tayo naman sa ngayon, meron pong sufficient supply,” ayon kay Cusi.

 

 

Binanggit din ni Cusi ang iba pang posibleng maging daan para bumaba ang presyo ng krudo sa world market.

 

 

“Bababa lang po ang presyo ng langis kung magkakaroon ng increase ng supply sa pamamagitan ng pag-alis ng sanction sa Venezuela, Iran, at Syria,” ani Cusi.

 

 

“Nakakapagbigay po ito ng mahigit isang milyong barrel a day kung maaalis maaalis ‘yung sanction. Then kung bababa ‘yung decrease ng demand at kung magkakaroon ng ceasefire sa Russia,” ayon kay Cusi.

 

 

At para matapyasan aniya ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, iminungkahi ni Cusi ang short-term solution ng DOE gaya ng pagpapatupad ng P1 hanggang P4 promotional discounts sa oil companies, paglalaan ng P1.1 billion fuel discounts sa mga magsasaka at mangingisda, at pagpapatupad ng Pantawid Pasada program.

 

 

Samantala, ang magiging long-term solution naman umano ang pag-amyenda ng Kongreso sa Oil Deregulation law at TRAIN law. (Daris Jose)

Other News
  • Workers ng Honda nag-rally, alalay ng gobyerno aasahan

    KINALAMPAG ng mga manggagawa ng Honda Cars Philippines Inc. ang Japanese Embassy sa Pasay City kahapon (Lunes, Pebrero 24) matapos ianunsiyo noong weekend ang plano ng Honda na isara ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna.   Nag-vigil sa loob ng planta ang ilang mga manggagawa ng Honda noong Sabado nang ianunsiyo sa kanila ang […]

  • Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams

    DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro.     Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets.     Matapos kasi […]

  • New ‘Army of Thieves’ Trailer Shows More Heists in the World of ‘Army of the Dead’

    NETFLIX released the trailer for their Army of the Dead prequel Army of Thieves.     Produced by Zack Snyder and written, directed, and starring Matthias Schweighöfer, the film follows small-town bank teller Dieter who gets invited to join a crew of criminals to heist a sequence of impossible-to-crack safes across Europe.     Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=Ith2WetKXlg   […]