Pringle lider sa BPC
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
NAMUMUNO sa Best Player of the Conference (BPC) si Stanley Wayne Pringle Jr. ng bagong koronang hari sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble na Barangay Ginebra San Miguel sa Angeles, Pampanga.
Magkakaroon ang propesyonal na liga ng special awards ceremony na aprubado na ng PBA board sa darating na Enero 2021 upang bigyang pagkilala ang top player sa isang komperensya lang sa taong ito dahil sa Covid-19.
Pararangalan din sa All-Filipino tourney bukod sa BPC, ang mga magiging na Outstanding Rookie, Most Improved Player, Sportsmanship Award at Special Team Awards.
Mga katunggali Pringle para sa top individual award sina Bobby Ray Parks Jr. ng TNT, Matthew Wright at Calvin Abueva ng kjapuwa ng Phoenix Super LPG, Christian Jaymar Perez ng Terrafirma, at Christian Standhardinger ng NorthPort.
Magkakalaban naman para sa Outstanding Rookie award sina Meralco guard Aaron Black, Roosevelt Adams ng Blackwater at Arvin Tolentino ng Ginebra. (REC)
-
Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown
Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia. Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]
-
Nasita sa face mask, babae kulong sa shabu sa Valenzuela
BALIK-SELDA ang isang 47-anyos na babae matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Sub-Station 6 commander P/Lt. Armando Delima ang naarestong suspek na si Rowena Bularon, 47 ng Urrutia St., Brgy., Malanday. Sa report ni […]
-
Ads April 19, 2022