• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.

 

 

Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.

 

 

“As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza  sa Senate hearing bilang tugon sa tanong ukol sa mga priority measures ng Chief Executive.

 

 

Ang mga bagong batas na nadagdag sa priority list  ay ang “2023 General Appropriations Act, the bill strengthening the regulatory functions of Maritime Industry Authority (MARINA), the bill for the condonation of unpaid amortization, interest of loans of agrarian reform beneficiaries, and the Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).”

 

 

Bagama’t ang MTFF ay hindi bill o batas na nangangailangan ng pagsasabatas, ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay in-adopt ang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta para sa six-year fiscal plan ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa kanyang  kauna-unahang SONA, hiniling ni Pangulong  Marcos sa Kongreso na kagyat na ipasa ang 19 bills sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Kabilang na rito ay ang National Government Rightsizing Program (NGRP), Budget Modernization Bill, Valuation Reform Bill, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), E-Governance Act, Internet Transaction Act or E-Commerce Law, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Medical Reserve Corps at National Disease Prevention Management Authority.

 

 

Kasama rin ang Creation of the Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources, Unified System of Separation, Retirement and Pension, E-Governance Act, National Land Use Act, National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP), Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136) at Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

 

 

Tinanong naman ni Senador JV Ejercito  ang plano ng  PLLO para mapigilan ang posibleng pag-veto  sa batas na ipinasa ng Kongreso.

 

 

Bilang tugon, sinabi ni Mendoza na  nagsasagawa sila ng  inter-agency consultative meetings para i- “fine tune” ang batas  na inisa-isa ni Pangulong Marcos sa kanyang  SONA.

 

 

“I think we already had around five consultative meetings with different agencies with regard to the SONA measures…So far sir, nafa-fine tune na po natin…para pagdating po dito sa both chambers–sa Senate and sa Lower House, fine-tuned na po siya…Naalis na po namin ‘yung mga contentious issues with the departments,” wika ni  Mendoza.

 

 

Samantala, inaprubahan naman ng Senate panel ang panukalang budget ng PLLO para sa taong 2023.

 

 

Maliban sa PLLO, inaprubahan din ng Senate finance subcommittee  ang panukalang  P193 million budget ng Philippine Racing Commission at panukalang P191.26 million budget ng Authority of the Freeport Area sa Bataan para sa taong 2023. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 2, 2023

  • Volunteers, education grads, maaaring tumulong sa self-learning ng mga mag-aaral – DepEd

    Kinokonsidera ng Department of Education ang paghingi ng tulong sa mga volunteer at education graduates upang suportahan ang paghahatid ng quality education sa gitna ng coronavirus pandemic.   Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, bagamat naniniwala silang malaki ang papel na gagampanan ng mga magulan sa edukasyon ng kanilang mga anak sa ilalim ng […]

  • P300-B loan ng Duterte gov’t sa BSP, fully paid na – DOF

    BINAYARAN na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.     Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).     Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III […]