• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Priority Group A4 list, aprubado na

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

 

Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa ng pagkain, inumin medical at pharmaceutical products; frontline workers sa food retail, kabilang na ang food service delivery; frontline workers sa private at government financial services; at frontline workers sa mga hotels at accommodation establishments.

 

Kabilang din sa Priority Group A4 ay ang mga pari, rabbis, imams, at iba pang religious leaders; security guards/ personnel na nakatalaga sa tanggapan, ahensiya, at organisasyon na -identified sa listahan ng priority industries/sectors; frontline workers sa private at government news media; customer-facing personnel of telecoms, cable at internet service providers, electricity distribution at water distribution utilities; frontline personnel sa basic education at higher education institutions at agencies; at overseas Filipino workers, kabilang na ang mga naka-iskedyul para sa deployment sa loob ng dalawang buwan.

 

Frontline workers sa law/justice, security, at social protection sectors; frontline government workers na engaged a mga operations ng government transport system, quarantine inspection; worker safety inspection at iba pang COVID-19 response activities; frontline government workers na in-charge sa tax collection, assessment ng businesses para sa incentives, election, national ID, data collection personnel; diplomatic community at Department of Foreign Affairs (DFA) personnel sa consular operations; at Department of Public Works and Highways personnel na in-charge sa pagmo-monitor ng government infrastructure projects ay bahagi na rin ng Priority Group A4 list.

 

Inaprubahan din ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ng IATF ang pagpapatuloy ng training o pagsasanay ng national athletes sa Olympic Training Bubble sa Calamba, Laguna, extension ng temporary suspension ng foreign nationals hanggang Abril 30, 2021, habang ang foreign nationals na may “valid entry exemption documents duly issued by the DFA prior to March 22, 2021” ay papayagan nang makapasok ng bansa.

 

Samantala, inaprubahan naman ng IATF ang extension ng risk-level classification ng Quirino Province sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine hanggang Abril 30, 2021.

Other News
  • Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

    MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.       Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.       Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng […]

  • Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez

    PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna.     “Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na […]

  • Crime rate bumaba ng 73.76%

    BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na […]