Private at public, walang pasok sa Maynila ng isang linggo
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa Maynila sa gitna ng banta ng COVID-19.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Special Report, na kasalukuyang nasa London ngayon na inadopt na rin ng pamahalaang lungsod ang state of public health emergency base sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health na may sampu nang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan idineklara ang Code Red Sub Level 1.
Tinatawagan naman ng alkalde ang lahat ng principal sa lahat ng antas ng paaralan sa Maynila na wala munang pasok ng isang linggo simula Marso 9 hanggang Marso 15.
Hinikayat naman ng alkalde ang lahat ng barangay officials sa Maynila na makipag-ugnayan sa city government upang mag-tulungan laban sa Covid-19.
Ito ay bilang pag-iingat na rin sa posibleng pagkalat ng virus.
Nakiusap naman si Domagoso sa mga batang mag-aaral na limitahan ang social interaction at importanteng manatili muna sa kani-kanilang mga bahay at doon na lamang mag self-study dahil puwede naman ang online education.
Samantala, sinuspende na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa lahat ng antas sa buong National Capital Region mula bukas Marso 10 hanggang Marso 14 dahil sa Covid-19.
(Daris Jose)
-
OLIVIA WILDE’S “DON’T WORRY DARLING” TO WORLD PREMIERE AT THE 79TH VENICE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
NEW Line Cinema’s “Don’t Worry Darling,” the highly anticipated second feature from director Olivia Wilde, is set to make its out-of-competition world premiere at the 79th Venice International Film Festival of La Biennale di Venezia, running from 31 August to 10 September, 2022. The announcement was made today by Alberto Barbera, Director […]
-
Miyembro ng PCG, inaresto sa pagpapaputok ng baril
INARESTO ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nakaraang aminin na nagpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Sampaloc, Manila Lunes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si CG ASN Christopher Busilan, miyembro ng Philippine Coast Guard at residente ng 25th Street, Pier 15, Port Area, Manila. At nahaharap sa kasong paglabag […]
-
Kelot na suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog
ARESTADO ang isang construction worker na pangunahing suspek na pumatay sa isang babae at malubhang ikinasugat ng kasama nito makaraang masukol ng pulisya sa kanyang tirahan sa Valenzuela City. Sa ulat, inabangan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang 40-anyos na si alyas “Rey”, sa kanyang pag-uwi […]