• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Private hospitals, nakaalerto na sa mga mabibiktima ng paputok

NAKAALERTO na ang mga pribadong ospital sa bansa sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng mga mabibiktima ng paputok habang papalapit ang Bagong Taon.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano, hindi tulad ng mga nakaraang selebrasyon ng Bagong Taon, inaasahan nila ngayon na tataas ang mga kaso dahil sa mas maluwag o halos kawalan na ng restriksyon ng pamahalaan.
“Ang ating mga priba­dong ospital, lagi namang nakahanda ‘yan. Of course, inaantabayanan natin ang mga firecracker injuries kasi medyo delikado ‘yan kung hindi agad malalapatan ng lunas,” pahayag ni De Grano.
“Lahat sila ay on alert din katulad din ng mga government facilities,” dagdag niya.
Nitong Disyembre 25, nasa lima pa lamang na kaso ng naputukan ang naitatala ng Department of Health (DOH) na mas mababa ng 50% kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
Payo ni De Grano sa mga mapuputukan, agad na linisan ng tubig at sabon ang sugat saka dalhin sa ospital o anumang health facility.
Pero pinakamainam umano ay huwag nang magpaputok para mas malusog ang pagsalubong sa Bagong Taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
Other News
  • 5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

    NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang  kababayan.     Kasong  Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng  mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin […]

  • Tangkang pagpasok ng Vape, naharang ng Custom

    NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Port of Clark ang tangkang pagpuslit sa bansa ng Vapes na may halong droga .   Galing sa Estados Unidos ang nasa 100 piraso ng disposable vapes na ibat ibang brand at nagkakahalaga ng 250-libong piso na idineklarang Label Marker Machines   […]

  • PDu30, tikom pa rin ang bibig ukol sa term extension ni Carlos- DILG chief

    HANGGANG ngayon ay wala pa ring sinasabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibleng term extension ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8.     “There is no guidance from PRRD (President Rodrigo Roa Duterte). So far, Gen. Carlos will retire as scheduled,” ayon kay Department […]