Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
- Published on October 25, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental.
Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan ng ilang taon.
“Bukod pa dun ang ginagawa namin eh inaayos natin halimbawa dito ang problema ay sa industriya ng asukal, marami tayong kailangan ayusin na problema dahil napabayaan sa nakaraang ilang taon kayat dahan dahan maibabalik natin,” ayon sa Pangulo.
Magkagayon man, positibo ang Chief Executive na maibabalik din ang dating estado ng sugar industry kahit paunti- unti.
Giit ng Pangulo, patuloy nilang ttitiyakin na sapat ang natatanggap na pagkain ng taong bayan hindi lamang asukal kundi pati na lahat ng produktong pang- agrikultura sa gitna na rin Ng target nitong mapatatag ang food supply sa mamamayan.
“Sa ngayon tinitiyak lang natin na sapat ang dumadating sa taong bayan hindi lamang asukal pati na ang lahat ng produktong agrikultura para naman kahit papaano ay masasabi natin na may sapat na food supply na kayang bayaran ng ating mamamayan,” ang wika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Tax amnesty extension, naging ganap na batas
NAGING ganap na batas na ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025. Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty lapsed into law on August 5. Nakasaad […]
-
Speaker Romualdez, pinapurihan ang Senate President sa mabusising preparasyon sa impeachment trial
PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Senate President Francis “Chiz” Escudero at ang liderato ng senado sa kanilang mabusising preparasyon para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hunyo. “The Senate has shown its commitment to upholding due process and ensuring a fair and impartial impeachment trial. I extend my deepest gratitude to […]
-
15 toneladang relief supplies hinatid ng C-130 sa Cebu
Naihatid na ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 15 tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu. Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, ang mga relief supplies ay inilipad mula sa Villamor Airbase patungong Benito Ebuen Airbase sa Mactan kahapon sa dalawang […]