• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Progreso Village, itatayo sa Valenzuela

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase 1 ng Progreso Village, isang pangunahing proyekto sa pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

 

Ang flagship initiative, na idineklara sa ilalim ng Executive Order No. 34, ay isang pagtutulungan sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Pag-IBIG Fund, at ng pamahalaang lungsod, na naglalayong magbigay ng marangal at abot-kayang pabahay para sa mga residente ng Telecommunications Office (TELOF).

 

Ang proyekto ay matatagpuan sa Tampoy, Barangay Marulas na may lawak na 20,008-square-meter property na itinalaga sa ilalim ng pagmamay-ari ng gobyerno. Ang lupaing ito na dating ginamit ng TELOF, ay dumaan sa ilang hamon, kabilang ang mga insidente ng sunog. Orihinal na nakalaan para sa mga layunin ng istasyon ng radyo sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 451 noong 1953. In 1996, sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 770, ang ari-arian ay binuksan para sa disposisyon para sa mga opisyal, empleyado, at bonafide occupants ng TELOF.

 

Ang Phase 1 ng proyekto na ito ay bubuuin ng dalawang eleven–storey buildings na magkakaroon ng 340 units, bawat isa ay may sukat na 27.50 square meters. Kapag nakumpleto na ang buong proyekto ay maglalaman ito ng siyam na gusali na may kabuuang 1,530 units na mayroon central park, parking facilities, streetlights, a sewerage treatment plant, guard houses, at concrete perimeter fencing na tinitiyak ang isang secure at accessible na kapaligiran para sa mga residente.

 

“Ang araw na ito ay makasaysayan hindi lamang para dito sa TELOF, kundi para sa buong lungsod, dahil for 28 years, ngayon natin masasabi na tuloy na ang proyektong ito. Tatlong sunog po ang pinagdaanan nito kaya naman ang araw na ito ay simbolo ng katuparan ng ating mga pangarap. Maswerte po tayo dahil ang Marulas ay isa sa mga napiling lokasyon ng 4PH, kaya naman tatawagin natin itong Progreso Village, dahil ang bagong bahay ay simbolo ng ating progreso sa buhay.” pahayag ni Mayor Wes.

 

Kasama ni Mayor WES at NHA General Manager Tai sina DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, Rovin Feliciano na kumakatawan kay Undersecretary Alvin Feliciano, NHA Regional Manager Jovita Panopio, Pag-IBIG Fund Department Manager Jacqueline Constantino, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilors Niña Lopez at Sel Sabino-Sy. (Richard Mesa)

Other News
  • Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

    MAGIGING  punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.     Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula […]

  • Estudyante sa Pinas, may ‘pinakamababang’ performance sa creative thinking

    NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa.     Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance […]

  • Bagong batas, nagdedeklara sa smuggling, hoarding ng agricultural products bilang economic sabotage-DA

    TINANGGAP ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang pagtinta sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang batas na magpapataw ng mas mahigpit na parusa laban sa mga ‘smugglers at hoarders’ ng agricultural food products kabilang na ang mga cartel.     “This new law that penalizes violators with higher fines and long jail terms, […]