• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proklamasyon sa 12 nanalong senador, partial party-list, ipo-proklama na– Comelec

NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga mananalong senador sa Miyerkules ng hapon.

 

 

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sabay-sabay daw ipoproklama ang 12 winning Senators.

 

 

Ngayong araw dadating ang mga Certificate of Canvass mula sa Hong Kong.

 

 

Ang mga Party-list groups na sigurado nang magkakaroon ng upuan sa Kongreso ay ipoproklama naman kinabukasan o sa araw ng Huwebes.

 

 

Sa ngayon, nasa 159 sa 173 COCs ang na-canvass na ng poll body na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Ang 24 na natitirang COCs ay kinabibilangan ng 19 manual overseas COCs, isang manual COC mula sa Vulnerable Sector Office, isang manual COCs mula sa 63 barangays, isang electronic COC mula Lanao del Sur, isang electronic overseas COC mula Hong Kong at isang electronic COC mula sa Jordan.

 

 

Ang Lanao del Sur ay magsasagawa naman ng special election at ang target at sa May 24 matapos ideklara ang failure of elections sa 14 barangays.

 

 

Nanindigan naman si Garcia na kailangang maiproklama nang minsanan ang mga nanalong senador.

 

 

Para naman sa party-list, posible umanong hindi maiproklama lahat dahil bawat bilang dito ay mahalaga para sa mga grupong hindi pa nakakakuha ng 2 percent ng total votes.

 

 

Sa ilalim kasi ng batas ay dapat makakuha ng dalawang pursiyento ang mga party-list groups para makakuha ng isang upuan sa Kamara.

 

 

Ang mga lalagpas naman sa 2 percent threshold ay mabibigyan ng karagdagang upuan na hindi lalagpas sa tatlo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • MEDICAL MARIJUANA – MALINAW SA MARAMI, MALABO SA IILAN.

    MAGSASAMPUNG taon na ang adbokasiya para sa legal na paggamit ng medical marijuana dito sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa benepisyo nito.     Milyun-milyong pasyente bawat taon ang natutulungan nito sa maraming bansa, ngunit hindi pa rin malinaw para sa ilan sa Pilipinas ang isyu sa bagay na […]

  • EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider

    TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.   Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema […]

  • Marcial sasamahan ang Philippine boxing team

    Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon.     Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.     Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial […]