Proteksyon ng OFWs, tiniyak ng Taiwan
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng gobyerno ng Taiwan ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa sakaling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at ng China.
Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III na tiniyak sa kaniya ng National Police Agency of Taiwan na handa silang magbigay ng matutuluyan sa 89,000 OFWs na nasa kanilang bansa sakaling umatake ang Beijing.
“I met with the Director General together with the head of the home Civilian Defense of Taiwan and they assured us that they will also protect our countrymen there,” ayon kay Bello.
Nasa 160,000 OFWs ang kabuuang nagtatrabaho sa Taiwan kung saan 90% ang nasa manpower services. Ang iba ay mga guro, magsasaka, at nasa hospitality industry.
Ito ay sa kabila ng tensyon na dinaranas din ng Taiwan mula sa China na nagpalakas ng mga military drills sa karagatang nakapaligid sa bansang isla. Ito ay kasunod ng mga pagbisita ng matataas na opisyal ng Estados Unidos umpisa noong 2022.
Nagkaroon ng agam-agam sa kundisyon ng mga OFWs sa Taiwan makaraang maglabas nitong nakaraang buwan si Chinese Ambassador Huang Xilian ng abiso laban sa pagsuporta ng Pilipinas sa ‘independence’ ng Taiwan kung pinahahalagahan umano ng ating gobyerno ang kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat. (Daris Jose)
-
WBC inatasan ang paghaharap ni Ryan Garcia kay Isaac Cruz
INATASAN ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz. Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts. Huling laban nito ng talunin niya […]
-
China, tinutulan ang Philippine-US defense treaty review –Lorenzana
ISINIWALAT ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tutol ang China sa planong repasuhin o rebyuhin ang 70-year-old defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito kasi ang nagbibigkis sa Estados Unidos na ipagtanggol ang Maynila mula sa pananalakay kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea. ‘While the US welcomes the idea […]
-
Biyaheng SoKor, pwede na ulit
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito […]