• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Protektahan ang buhay ng mga Bata sa pamamagitan ng Pagbabakuna

NANG gumaling sa tigdas ang limang buwang gulang anak ni Ginang Marissa Santos, naisip niya na iyon na ang huling pagkakataon na haharap ang kanyang anak sa virus na nagdudulot ng tigdas. Pagkalipas ng anim na taon, nagsimulang magpakita ang anak ni Ginang Santos ng mga sintomas ng isang bihira at malubhang komplikasyon na dulot ng tigdas – ang subacute sclerosing panencephalitis o SSPE. Ayon kay Ginang Santos, umaasa siyang dapat na siguraduhin ng mga magulang ang pagbabakuna upang makatulong na maiwasan ang tigdas at SSPE sa kanilang mga anak.

 

 

Ang tigdas ay isang malubha at nakakahawang viral respiratory disease. Kabilang sa mga sintomas ng tigdas ay ang mataas na lagnat, pantal, ubo, conjunctivitis, at coryza. Ang tigdas ay maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon kahit sa mga malulusog na bata. Ang virus na nagdudulot ng tigdas ay maaaring mag-mutate at magdulot ng nakamamatay na komplikasyon.

 

 

 

Noong 2018, ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 140,000 katao – karamihan ay mga batang wala pang limang taong gulang ang namatay sa tigdas. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng ligtas at epektibong bakuna laban sa naturang sakit. Ayon sa WHO, ang mga pangunahing epidemya ng tigdas ay nangyayari tuwing dalawa hanggang tatlong taon. Ito ay humantong sa tinatayang 2.6 milyong pagkamatay taun-taon.

 

 

 

Sa Pilipinas, iniulat ng Department of Health (DOH) noong 2020 na humigit-kumulang 2.4 milyong batang wala pang limang taong gulang ang maaaring magkaroon ng tigdas. Iniulat din ng DOH mula 2008 hanggang 2017, na nagkaroon ng pagbaba mula sa mahigit 80 porsiyento hanggang sa halos 70 porsiyento sa unang dose ng bakuna laban sa tigdas sa Pilipinas. Ang DOH ay nagdeklara ng outbreak sa tigdas noong 2014 at 2019. Tulad ng mga kaso ng ilang bansa, ang naturang outbreak ay nangyari sa kabila ng maigting na kampanya ng pagbabakuna.

Other News
  • DOTr, itutuloy ang naudlot na railway projects sa tulong ng South Korea, Japan at India

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang dating mga railway projects na suportado ng China.     Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa South Korea, Japan, India.     Gayundin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.     Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang […]

  • PBBM, susuriin ang memo circular hinggil sa term of office ng ilang gov’t officials

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuriin nitong mabuti ang memorandum circular kaugnay sa  ‘term of office’ ng ilang government officials.     Sa isang panayam matapos dumalo sa  49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB), sinabi ni Pangulong  Marcos na nais niyang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa ilang  […]

  • John 3:16

    God gave his only son.