Proud na proud sa pagiging lola… JAYA, karga-karga ang unang apo na si GRAYSON
- Published on June 25, 2024
- by @peoplesbalita
LAST year lang ni-launch via Sparkle Teens sina James Graham at Charlie Fleming.
Dream nila noon na makasama sa isang malaking teleserye. Natupad ang wish nila dahil kasama sila sa big cast ng Widows’ War.
Pareho nasa teleserye na Royal Blood sina James at Charlie kaya nag-crossover ang characters nila sa Widows’ War kunsaan may connection sila.
Si James na nag-pull ng plug sa life support machine ni Megan Young sa Royal Blood ay tahimik sa kanyang involvement sa bagong murder-mystery series ng GMA.
“Wala akong pwedeng sabihin kung bakit ako nandoon sa pamilya na ‘yun. Wala akong pwedeng ipaalam sa mga tao. Pero, let’s just say na may hinahanap si Louie,” sey ni James na dalawang eksena pa lang daw ang nakukunan sa kanya.
At 17 ay 6 footer na si James at mas matangkad pa siya sa kanyang American father. Hilig na sports nito ay swimming at ice skating.
Dream din ni James na pasukin ang medical field sa college: “Simula bata po, talagang gusto ko na magdoktor. And hanggang ngayon, di pa rin po talaga na wala sa feeling ko na ito yung gusto ko, ito yung gusto ko matutunan.”
Si Charlie din ay quiet sa connection ng character niyang si Sofia sa Widows’ War: “They took my character and James’ character and they wanted to continue the story po, here on Widdows Choir. So the crossover from Royal Blood. Secret pa po yung connection namin.”
Pinangak si Charlie sa Saudi Arabia at sa Cagayan de Oro na siya lumaki. Noong pandemic siya nag-audition via Zoom para sa Sparkle Teens.
May balak din daw na sumali ng beauty pageant si Charlie. Pero matagal pa raw dahil 15 pa lang siya.
“Siguro po when I’m 20 or 21 para mas prepared ako physically and mentally. Ngayon po, showbiz and school ang priority natin.”
***
LOLA na si Jaya!
Sa latest post ng Queen of Soul via Instagram, karga nito ang kanyang unang apo na si Grayson Gage.
Sinilang si Grayson noong June 18. Ang ama nito ay si Gavin na anak ng mister ni Jaya na si Gary Gotidoc sa dating karelasyon. Tinuring ni Jaya na anak rin niya si Gavin.
“We welcome you with so much joy and so grateful that I get to be your Lola. And Gavin, and Athena, I am so proud and happy for you two. You did it, and did it well. God bless you… love you… To @suzannev808 and @jonlylegara my goodness we are now Grandmas!!!! I’m celebrating with you,” caption ni Jaya.
2021 noong magdesisyon si Jaya at Gary na sa US na manirahan kasama ang kanilang mga anak.
Tinalikuran pansamantala ni Jaya ang kanyang showbiz career para maasikaso ang kanyang pamilya sa Amerika.
***
TINAKBO kamakailan sa emergency room ang British actor na si Sir Ian McKellen pagkatapos maaksidente sa gitna ng kanyang performance sa Noël Coward Theatre in London.
Nahulog sa stage ang 85-year old actor habang ginagawa nito ang fight scene sa play na Player Kings.
Ayon sa report ng DailyMail: “Sir Ian tripped over props and fell in almost a belly flop fashion. Instantly, he screamed and, honestly, the noises were bone-chilling. The lights were on so quickly, the curtains drawn, and within seconds they asked to evacuate the whole auditorium.”
Nasa recovery stage na raw ang two-time Oscar nominee na nakilala bilang si Gandalf the Grey sa The Lord of the Rings movies at bilang Magneto sa X-Men film series.
(RUEL J. MENDOZA)
-
House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors– Olivarez
Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sa darating na 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the […]
-
IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply
IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply ng isa sa tatlong bagong bukas na pumping station na matatagpuan sa Judge Roldan sa Brgy. San Roque, kasunod ng blessing at inauguration nito. (Richard Mesa)
-
US, nangako na tutulong sa oil spill cleanup drive-Galvez
SINABI ni Defense chief Carlito Galvez na nangako ang gobyerno ng Estados Unidos na tutulong sa cleanup drive sa oil spill sa Oriental Mindoro. Iniulat ni Galvez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nangako si US Secretary of Defense Lloyd Austin na magde-deploy ng naval units para tumulong sa cleanup operation sa nasabing […]