Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM
- Published on October 20, 2022
- by @peoplesbalita
DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France.
Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na ginaganap sa movie capital ng France na tumatakbo sa loob ng apat na araw sa Oktubre.
Sa Instagram post, masayang nag-pose si Arjo sa harap ng Palais des Festivals, na kung saan ipinapakita ng napakalaking billboard ng “Cattleya Killer,” ang first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM, ang itinuturing na largest content market sa buong mundo.
Sa kasunod na post ay makikita ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ng ABS-CBN International Production at executive producer na si Ruel Bayani.
Ang “Cattleya Killer” ang unang mainstream starring role ni Atayde mula nang manalo bilang Congressman sa unang distrito ng Quezon City sa pamamagitan ng landslide victory last May 2022 elections.
Si Cong. Atayde ay nakapag-propose na ng mahigit 41 na panukalang batas, kabilang ang House Bill 457, na naglalayong ideklara ang Quezon City bilang Film and TV Arts Capital of the Philippines.
Samantalang ang HB 459, na tungkol sa occupational safety para sa mga artista at manggagawa sa ang sektor ng pelikula at telebisyon.
Bilang vice chairman ng Creative Industry and Performing Arts Committee ng 19th Congress, kabilang sa mga responsibilidad ni Arjo ang pag-promote ng mga pelikulang Pinoy at serye sa pandaigdigang komunidad.
Ang premiere screening ng “Cattleya Killer” ay ginanap noong Miyerkules, Oktubre 19, sa Palais Auditorium na pinangunahan ng Asian Academy Creative Awards 2020 Best Actor, kasama ang kanyang kapatid na aktres at producer din na si Ria Atayde, ina at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, at negosyanteng ama na si Art Atayde. Sila nga ang nasa likod ng Nathan Studios Inc. na kasosyo sa drama serie. Nagsimula na nga silang mag-produce ng shows (‘Becoming Ice’), series at films.
At sa unang pagpapalabas ng ‘Cattleya Killer’ sa Cannes ay opisyal na minarkahan ang unang pagkakataon na ang isang seryeng Filipino ay ipapakita sa mga gumagawa ng desisyon sa industriya ang pag-aasam na makakuha ng kasosyo para sa global distribution.
Mula ito sa mabusising direksyon ni Dan Villegas, kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla.
Ang drama series ay tungkol sa nakaka-intrigang imbestigasyon ng misteryosong pagpatay ng isang copycat ng isang kilalang serial killer na nanakot sa Maynila, dalawang dekada na ang nakararaan.
Ang isang anak ng pulis na nagbukas sa kaso ay magiging pangunahing suspek kapag nabunyag ang mga nakaraang trauma at matagal nang nakabaon na mga lihim.
Ang proyekto ay kinunan sa Filipino at mayroon na ngayong English subtitles at overdubs para sa international screening.
Ang “Cattleya Killer” ay bahagi ng pelikula sa 2021 Full Circle Series Lab, isang Southeast Asian talent development initiative ng Film Development Council at French film company, Tatino Films, na may creative development na ginagabayan ng mga International mentor mula sa South Africa, Israel at Germany.
Proud na proud naman si Sylvia sa latest achievement na ito ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria (na maraming pumupuri sa kanyang litaw na litaw na kagandahan)
Of course, rumampa si Sylvia suot ang mga creations ni Frankie De Leon, na Pinoy na Pinoy ang dating.
Goodluck sa Cattleya Killer at sa Nathan Studios!
(ROHN ROMULO)
-
MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN
NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi […]
-
Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open
UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic. Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19. Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]
-
2 timbog sa baril, shabu, marijuana oil at kush sa Valenzuela drug bust
LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug […]