• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA

BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito.

 

Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Paglilinaw ng LTRFB at ng MMDA na hindi daraan sa EDSA ang mga bus. Halimbawa na ang mga bus na galing Norte ay sa Mindanao Avenue dadaan patungong Katipunan, diretso ng P. Tuazon at patungo ng Cubao Araneta Center.

 

Point-to-point ang mga bus at hindi papayagang magbaba at magsakay kung saan-saan lang.

 

Ilan sa mga ruta ng mga pro- vincial buis na balik biyahe na ay mag mga sumusunod.

1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City,

2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx),

3. Lemery, Batangas – PITx,

4. Lipa City, Batangas – PITx ,

5. Nasugbu, Batangas – PITx,

6. Indang, Cavite – PITx,

7. Mendez, Cavite – PITx,

8. Tagaytay City, Cavite – PITx,

9. Ternate, Cavite – PITx,

10. Calamba City, Laguna – PITx,

11. Siniloan, Laguna – PITx at ang Sta. Cruz, Laguna – PITx. (Ronaldo Quinio)

Other News
  • OMICRON NAKAPASOK NA SA PINAS, 2 KASO NATUKOY

    KINUMPIRMA  ng Department of Health (DOH),  University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at  University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang kaso ng  Omicron (B.1.1.529) variant of concern sa bansa .     Ayon sa DOH, ito ay natukoy mula sa 48 samples na na-sequence ng PGC kahapon, Dec.14. […]

  • Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso

    NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga taga–GMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso.      Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A […]

  • Ads November 5, 2020