Provincial poll supervisor ng Mindanao, itinalaga ni PDu30 bilang Commissioner ng Comelec
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang provincial poll supervisor ng Mindanao bilang commissioner ng Commission on Elections.
Ito ang nakasaad sa dokumento na ipinalabas, araw ng Huwebes, kulang-kulang dalawang taon bago bumoto ang mga Filipino mg mga bagong lider ng bansa.
Napili ni Pangulong Duterte si Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang Comelec commissioner na may termino ng hanggang Pebrero 2027, base sa liham.
Si Ferolino-Ampoloquio ay unang nakasama sa Comelec bilang emergency worker taong 1994, at sa kalaunan ay nagsilbi bilang election assistant para sa 12 taon bago pa ito na-promote bilang election officer ng 10 taon at bilang isang supervisor, ayon kay Comelec chairman Sheriff Abas.
“Commissioner Aimee is an inspiration to all public servants. Her ascent to Comelec leadership is a testament of her great work and her dedication to deliver quality and unparalleled service,” ani Abas sa isang kalatas.
Sa ngayon ay naghahanda ang Comelec para sa 2022 elections, sa kabila ng coronavirus pandemic.
“Ferolino-Ampoloquio’s completes the Comelec en banc, which “is now better equipped to fulfill its mandate to further strengthen and advance our democracy,” ayon pa kay Abas. (Daris Jose)
-
Mahigit 200 indibidwal, patay sa leptospirosis sa first half ng taong 2023 – DOH
Iniulat ng Department of Health na pumalo na sa mahigit 200 indibidwal ang namatay mula sa sakit na leptospirosis. Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Jan. 1 hanggang July 22, 2023 ay umabot na 233 ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa nasabing sakit na mas mataas […]
-
Ho nasasabik na sa Pasko
BUWAN na ng setyembre kya ramdam na ng dating athlete-TV host na si Gretchen Ho ang Kapaskuhan. “I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” ppahayag nitong isang araw sa Instagram account niya ng former Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association […]
-
Awardee na si Piolo, matuloy pa kayang host?: Postponed muna ang ‘The 6th EDDYS’, ililipat ng petsa at venue
IPINAAALAM ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ang nakatakdang The 6th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre 22 ay hindi muna matutuloy. Nagdesisyon ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd na i-postpone ang pagsasagawa ng ika-anim na edisyon ng The EDDYS na gaganapin sana sa EVM Convention Center sa Quezon […]