• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proyekto ng Duterte admin itutuloy ni PBBM

ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi ni Marcos, ito ay dahil nakita niya  ang bunga ng ilan sa mga proyekto ni Duterte na flagship infrastructure program nitong mga unang araw ng Marso.

 

 

Lumalabas na sa 194 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P9 trillion, nasa 70 ang mula sa administrasyong Duterte.

 

 

Itutuloy ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“Mayroon tayo minsang ugali dito sa Pilipinas at sa ibang lugar din na kapag nagbago ang administrasyon, ang pag-iisip ay lahat noong ginawa ng dating administrasyon ay tinitigil dahil sinasabi na walang magandang nangyari,” sabi ng Pangulo.

 

 

“Hindi tama ‘yun… Hindi iyan ang pag-iisip na magdadala sa atin sa isang bagong Pilipinas,” wika niya.

 

 

“Kung masusi naman ang pag-aaral at tala­gang may pakinabang ay talagang dapat ituloy,” dagdag pa ng Pangulo.

 

 

Kabilang umano sa mga proyektong ito ang transportation infrastructure, digital connectivity, flood control, health-related initiatives, power, energy, at iba pa.

 

 

Umaasa rin ang Pangulo na ang public infrastructure projects ay makakatulong sa pagresolba sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at pagbuti sa connectivity sa mga lalawigan at mapataas ang food security sa bansa at ang isyu ng impact ng climate change.

 

 

Sa pamamagitan din umano ng mga bagong proyekto at mapapataas ang employment sa bansa.

 

 

Lumalabas sa datos ng Philippine Statistics Authority na mayroong 2.37 million Filipino ang walang trabaho nitong Enero kumpara sa 2.22 million noong December 2022.  (Daris Jose)

Other News
  • HIGIT 300 TRAINEES NAGTAPOS SA TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS

    MALUGOD na tinanggap ng Navotas ang mahigit 347 mga skilled workers matapos ang kanilang pagtatapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.       Sa bilang na ito, 20 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; […]

  • Football star Cristiano Ronaldo tinaguriang highest-paid athlete ng 2024

    NANGUNA si football star Cristiano Ronaldo sa highest paid athlete ng 2024. Base sa datos ng Sportico, na mayroong $260 milyon itong kita subalit sa nasabing listahan ay walang mga babaeng atleta na nakapasok sa top 100. Nagmula ang kabuuang kita nito mula sa $215-M na sahod at panalo sa Al-Nassr sa Saudi Arabia at […]

  • Baril tinangkang agawin, drug suspect malubha sa pulis

    Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na drug personality na nagtangkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante matapos pumutok ang service firearm ng isang pulis na kanyang tinangkang agawin sa isang entrapment operation sa Caloocan city.     Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) officer-in-charge P/Maj. Amor Cerillo ang naarestong […]