• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.

 

 

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

 

 

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

 

 

“I truly appreciate the patience and understanding of the learners, the parents and teachers in your locality. We are hopeful that these newly-built classrooms will provide a more conducive learning environment even as we cope with the new normal,” anang Pangulo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Duterte para sa kanyang mapanagutang liderato na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

 

 

“Ang mahalagang araw na ito ng pagbubukas ng minamahal nating paaralan ay may hatid na mensahe ng pag-asa para sa ating lahat. Ito ay patunay na narito ang ating pamahalaan, handang manguna at makaagapay natin,” anang gobernador.

 

 

Sinamahan si Duterte ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Kalihim ng Department of Public Works and Highways Mark Villar, Department of Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mahigit 28-K kababaihan nag-apply para maging train driver sa Saudi Arabia

    NASA mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train.     Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter.     […]

  • Healthcare providers sa Bulacan, sinuri ang bisa ng DAT para sa TB

    LUNGSOD NG MALOLOS- Birtwal na tinipon ng proyektong Adherence Support Coalition to End TB (ASCENT) ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa Bulacan kasama ang iba pang may kinalaman sa pagsugpo sa TB sa lokal, rehiyon at sentral na lebel ng National Tuberculosis Control Program (NTP) upang suriin ang pagtugon ng digital adherence technologies (DATs) sa pangangailangan […]

  • Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD

      SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng.     Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng […]