PSC: 300 para-athletes lumahok sa webinar
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
Lumahok ang mahigit 300 national para-athletes at coaches sa katatapos na week-long webinar na pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay sa pagdiriwang ng National Council on Disability Affairs’ 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Nakipag-tululungan ang PSC sports rehabilitation unit sa Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa online seminars ng mga differently-abled.
“Our goal is to raise social media awareness about para-sports, para-athletes and persons with disabilities, and recognize their achievements for the country,” ani PSC sports rehabilitation OIC Rico Barin.
Lumahok ang mga para-athlete mula athletics, sitting volleyball, football, swimming, chess, archery, wheelchair basketball, cycling, dancesport, triathlon, bowling, powerlifting, badminton, table tennis, goalball at boccia sa week-long program mula July 17 hanggang 23.
Pinasalamatan nina PPC president Mike Barreto at secretary-general Walter Torres si PSC chairman William Ramirez at ang sports rehabilitation unit sa kanilang inisyatibo.
“We thank chairman Ramirez for making sure that our para-athletes are educated on sports psychology programs like this to reinforce their training and skills,” ani Barreto.
“This tribute given to our para-athletes during the NDPR week is a boost in their morale self-esteem, especially at times like this when the pandemic has resulted in the cancellation of sporting events,” hirit ni Torres.
Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang body and postural mechanics, at proper mobilization and transfer strategies for para-athletes.
Nagkaroon din ng masayang zumba session sa webinar. Ilan sa mga speaker na lumahok ay mga physical therapists mula sa PSC sa pangunguna nina Arryl Puchero, Maya Angelou Mel, Jaja Antonio, Riggs Poblete, Christine Magtibay, at Fatima Pereyra.
-
LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA
MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan. Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center […]
-
Tennis legend Serena Williams naiyak matapos matalo sa 3rd round ng US Open, pero magreretiro na nga ba?
NAPUNO ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1. Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur […]
-
Bagong energy sources pinatutukan ng ERC sa pamahalaan
PINAYUHAN ni Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devenadera ang pamahalaan na ituon ang atensyon sa pag-develop ng mga bagong sources ng energy para makatulong sa pagbawas sa singil sa nakokonsumong kuryente ng publiko. Mababatid na sa harap nang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng langis, inanunsyo ng Meralco noong Huwebes na itataas nila […]