• July 11, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC OIC Fernandez, atleta sumalang sa Covid-19 tests

Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed Officer-In-Charge Ramon Fernandez ang isinagawang COVID-19 swab testing sa PhilSports Complex sa Pasig City.

 

Kasama ni Fernandez sa ginanap na testing ang kanyang asawang si Karla Kintanar-Fernandez at inaasahang makukumpleto ang 14-day quarantine, habang nagtatrabaho bilang OIC, sa July 17.

 

“We will comply with the standard procedures to ensure that we are helping in curbing the spread of the virus,” ani PSC OIC Fernandez.

 

Bukod kay Fernandez dumaan din sa Covid testing ang mga national boxer mula sa Baguio City na sina 2021 Tokyo Olympic qualifier Irish Magno at 2019 AIBA Women’s World Champion Nesthy Petecio, 10 iba pang boxers, 6 na lalaki at 4 na babae at isang coach.

 

Sumailalim din sa swab tests ang mga atletang nakatira sa Philsports mula boxing hanggang fencing, para-athletes ng athletics, wheelchair basketball, sitting volleyball, table tennis, at chess.

 

Sasalang sa 14-day quarantine ang mga boksingerong mula Baguio at oobserbahan hanggang lumabas ang resulta. Bibigyan din umano sila ng pagkain, tirahan at lahat ng assistance mula sa PSC staff.

 

“Hindi muna sila pinalalabas ng assigned rooms nila. Until lumabas swab test results nila, hinahatiran sila food,” ani Philsports Dormitory manager Roselle Destura.

 

“Kung may ipapabili, ipapawithdraw, at ipapadala sa pamilya, pinapaiwan namin sila ng note sa harap ng room nila and then kami na gagawa for them,” dagdag pa nito.

 

Tutulungan ng PSC ang mga atleta na makakuha ng travel pass pabalik sa kanilang hometowns kung magnegatibo sa ginawang covid tests.