• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC program palakasin – Buhain

MAS palakasin ang Phi­lippine Sports Commission (PSC) upang mas maging solido ang kampanya ng pambansang delegasyon sa mga international competitions.

 

 

Ito ang pananaw ni dating PSC chairman at Southeast Asian Games bemedalled swimmer Eric Buhain na kasalukuyang kinatawan ng Batangas First District sa Kongreso.

 

 

Nais ni Buhain na mapalawak pa ang batas para magkaroon ng matibay na armas ang PSC katuwang ang ibang sangay ng gobyerno gaya ng Department of Education (DepEd) at mga pribadong sektor tulad ng Philippine Olympic Committee (POC) at National Sports Associations (NSA).

 

 

Iginiit ni Buhain na kailangang palakasin ang grassroots development program na siyang pangunahing pinagkukunan ng talento ng bansa.

 

 

Ilan sa produkto ng grassroots development program sina Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, world champion at SEA Games multi-gold medalist Carlos Edriel Yulo at SEA Games record hol­der EJ Obiena ng athletics.

 

 

“It’s about time na magkaroon tayo ng amyenda sa PSC Law. Kailangang ma-engganyo ang private sector na sumuporta and partnership sa DepEd dahil kasi sa kanila talaga nangagaling ang mga kabataan na sasanayin natin at ihahanda sa international competition,” ani Buhain sa lingguhang TOPS Forum via zoom.

 

 

Ayon pa kay Buhain, kailangan lang magtipun-tipon ang lahat ng stakeholders upang maikasa ang solidong programa para sa ikabubuti ng Philippine sports.

 

 

“I’m open to sit down with all stakeholders para mas mapalalim pa natin ang programa, maging consistent ang performance ng ating mga atleta at talagang dapat nating ibaba ang atensyon sa grassroots,” ani Buhain.

 

 

Umaasa si Buhain na makakatuwang nito sa pagpasa sa batas sina Ormoc Rep. Richard Gomez, PBA Partlist Rep. Mikee Romero at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino na kasalukuyang pangulo ng POC.

Other News
  • Mens football team mas gumanda na ang performance

    IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan.     Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand.     Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto.     […]

  • 75 katao nalason sa galunggong at tahong

    UMAABOT sa 75 ka­tao ang naratay dahil sa posibleng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at tahong sa Brgy. Inirangan, Bayambang, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.     Sa report ng Municipal Health Office sa Office of Civil Defense Region, ang kinain na galunggong at tahong ay binili ng mga residente sa isang vendor. […]

  • DSWD may P581-M standby funds pa

    Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic.     Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan […]