• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo

Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo.

Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad.

Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na maraming atleta at coaches, aabot na ngayon sa 57 mula sa 9 sports, ang nag-evacuate o nawalan ng tahanan dahil sa bagyong nagdala ng malakas na hangin, ulan at baha  sa  Metro Manila at karatig probinsya.

Kinumpirma ni PSC Chairman William Ramirez na mino-monitor nila ang mga miyembro ng Philippine national team na apektado ng kalamidad at binibilisan na umano nila ang proseso sa pagbibigay ng ayuda o financial assistance.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” ani ng sports chief.

“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” pahayag naman ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Karamihan sa mga apektadong national athletes at coaches ay mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na naninirahan malapit sa floodways sa Rizal.

Other News
  • 2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon

    SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. Bagumbong […]

  • 19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico

    NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.     Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.     Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.     Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa […]

  • BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

    NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.     Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]