• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.

 

 

“The PSC Board agreed to give the same financial assistance to our Para athletes,” ani  Agustin. “Kung ano ang suporta ng ating pamahalaan sa mga national athletes, ganoon din ang ating ibinibigay sa mga para athletes.”

 

 

Matapos ang Tokyo Olympics, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8,  papagitna ang Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

May limang qualifiers na ang bansa para sa T­okyo Paralympics sa katauhan nina Para swimmer Gary Bejino, Para taek­wondo jin Allain Ganapin, Jerold Magliwan at Janette Acevedo ng Para athletics at Ernie Gawilan ng Para swimming.

 

 

Kabuuang 539 events ang nakalatag sa 22 sports Tokyo Paralympics.

Other News
  • Ads January 12, 2022

  • ADB, napanatili ang paglago ngayong taon ng 2024; 2025 growth, pagtataya para sa Pinas

    NAPANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang ‘economic growth outlook’ para sa Pilipinas ngayong taon at sa susunod na taon sa gitna ng inaasahan na paggaan ng inflation na susuporta sa ‘consumption at investment activities.’     Sa July edition ng flagship publication nito, Asian Development Outlook (ADO), sinabi ng ADB na ang gross domestic […]

  • Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

    Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.     Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.   […]