• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC: Tulong ng pribadong sektor, hihingin para mabigyan ng allowance ang mga nat’l athletes, coaches

Binabalak ng Philippine Sports Commission (PSC) na hingin ang tulong ng pribadong sektor para bayaran ang bahagi ng monthly allowance ng mga national athletes at coaches.

 

Tinapyasan kasi ng PSC kamakailan ang natatanggap na allowance ng mga atleta at coaches bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

 

Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang mga business magnates na sina Dennis Uy at Ramon Ang na posible raw makatulong sa mga atleta.

 

“If our conversation here will be heard by the rich private corporations like Dennis Uy (Phoenix Petrolium), Ramon Ang (San Miguel), SM and others, they could help our athletes,” ani Ramirez.

 

Maliban dito, sinimulan na ng ahensya ang pagkansela sa karamihan sa mga kontrata ng grassroots coaches, at nasa 30 hanggang 45 PSC coordinators sa iba’t ibang sulok ng bansa.

 

“It breaks our hearts and from the start of the lockdown, but we never cut off our connection to the athletes,” wika ni Ramirez.

 

Pinag-uusapan na rin daw nila sa PSC ang reevaluation ng contract renewal ng nasa 23 foreign coach, kasama na ang mga coach nina EJ Obiena at Carlos Yulo na kwalipikado na sa Tokyo Olympics.

 

Sa ngayon din ay hindi pa naipapadala ng PSC ang P2-milyong funding para kay Obiena, na pambayad naman nito sa kanyang gastusin sa Formia, Italy.

 

Una nang ipinaliwanag ng ahensya na bahagi ito ng paghihigpit nila ng sinturon dahil sa malaki ang nabawas sa natatanggap nilang monthly remittance mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation.

 

Mula kasi sa buwanang pondo na umaabot hanggang P150-milyon, nakatanggap lamang sila ng P9-milyon kaya napilitan silang tapyasan ng kalahati ang allowance na nakukuha ng mga atleta at mga coaches.

 

Other News
  • Nag-react agad nang mabasa ang tweets: OGIE, itinanggi na may ‘marital problems’ sila ni REGINE

    AGAD na nag-react ang singer-songwriter-tv host na si Ogie Alcasid nang mabasa ang tweets na may problema raw sila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez.     Kaya tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in […]

  • Desidido nang kasuhan para makamit ang hustisya: GERALD, gumaan ang loob nang pinangalanan ang nang-abuso sa kanya

        BUMALIK ang singer-actor na si Gerald Santos sa Senado kahapon, July 27, para sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment”.       Pinangungunahan ito nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.       Muli ngang […]

  • Economic team, nakakita ng pag-asa sa gitna ng multiple challenges

    MAHAHARAP ang  incoming administration  sa “multiple challenges” kapag nagsimula nang gampanan nito ang tungkulin  sa Hunyo 30.     Subalit, ang malakas na fundamentals at malinaw na  macroeconomic prospects ang nakapagbigay ng lugar para sa pag-asa,” ayon sa briefer na natipon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa itinalaga nitong economic team.     […]