PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting
- Published on December 29, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May 12 hanggang 23 ay hindi kasama sa Local Absentee Voting.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, nagpatulong na umano sila sa kongreso at senado nang sa ganon ay tyansa pa ring makaboto ang mahigit-kumulang isang libong atleta na kalahok sa nasabing palaro.
Aniya, May 12 magsisimula ang palaro sa SEA Games ngunit kinakailangan naman umano ang mas maagang pagpunta ng mga atleta at coaches sa venue para hindi maantala ang kanilang pag-eensayo at upang makapag-adjust sila sa nasabing bansa.
Gayunman, nakatakda namang magpulong si Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino at ni Commissioner Fernandez kung ano ang diskarteng maaari nilang gawin.
-
DOH, pinaiiwas muna ang publiko sa paggamit ng ‘torotot’ sa bagong taon
Sabay-sabay pinatunog ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ang kanilang mga kaldero at ilan pang gamit sa bahay bilang hudyat ng kampanyang “Iwas Paputok ngayong Holiday Season.” Pitong alternatibo ang inilatag ng DOH para maging gabay ng publiko na magdidiwang ng pasko at sasalubong sa bagong taon. […]
-
Kinabog ang tatlong kalaban sa korona: PRECIOUS PAULA NICOLE, first winner ng ‘Drag Race Philippines’
SI Precious Paula Nicole na taga-Daet, Camarines Norte ang kinoronahan bilang season one winner ng Drag Race Philippines! Kinabog ni Precious ang tatlo niyang kalaban sa korona na sina Marina Summers, Eva LeQueen at Xilhouete. Being season one winner, napanalunan ni Precious ang premyong 1 million pesos at one year supply ng makeup […]
-
Mayweather at Pacquiao nanguna sa greatest boxer ng BoxRec.com
Nasa pangalawang puwesto sa bilang ‘greatest’ boxer ng BoxRec. com ang si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Mayroong record ang fighting senator na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw. Nasa unang puwesto naman si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr dahil sa walang talo ito sa 50 na laban. Base […]