• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque

HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine.

“Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, malinaw po ang kanyang misyon ‘no – ito po ay to protect the President of the Republic of the Philippines and his immediate family,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, nagkaroon ng desisyon ang PSG na sa panahon ng pandemya eh isa sa malaking banta sa kalusugan ng Pangulo ay kung mahahawa siya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ito nga aniya ay ang PSG.

“So nagdesisyon sila maski wala pa pong authorization na magpabakuna. In other words po, dahil handa naman silang mamatay para sa Presidente eh pumayag na rin sila na magpasaksak dahil sa kanilang pagnanais na huwag sanang mahawaan ang ating Presidente,” ani Sec. Roque.

“Ang mensahe po nila ay malinaw: magpapakamatay po sila sa Presidente, para sa Presidente para bigyan siya ng proteksiyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, ang sambayanang Pilipino naman aniya at si Pangulong Duterte ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

    KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.   Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa […]

  • RICHARD YAP, excited nang magtrabaho sa Kapuso network

    It seems handang-handa na si bagong Kapuso actor Richard Yap sa pagtatrabaho para sa kanyang first ever Kapuso show.  First time ni Richard na gaganap sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na “Dear Uge.”    Inamin ni Richard na ngayong nakapirma na siya ng exclusive contract sa GMA -7, he is grateful na […]

  • Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes

    TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City.     Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, […]