PSG, walang natatanggap na direktang banta o security threat sa unang SONA ni PBBM
- Published on July 22, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG natatanggap ang Presidential Security Group (PSG) na banta sa seguridad para sa unang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“None at the moment” ang tugon ni senior military assistant at Presidential Security Group (PSG) commander
Col. Ramon Zagala sa tanong kung may nakikita silang magiging dahilan para madiskaril ang SONA ni Pangulong Marcos.
Ang importante aniya ay nakatanggap sila ng impormasyon at ang lahat ng impormasyon na kanyang natanggap ay mahalaga.
“And that we verify and for now, everything is okay. However, if there are any new information then we will act on it,” aniya pa rin.
Sa ngayon ay nasa final stages na sila ng paghahanda sa SONA.
Sa kabilang dako, para matiyak ang kaligtasan ni Pangulong Marcos sa SONA ay magde-deploy sila ng sapat na tauhan.
Ang hakbang na ito ay hindi lamang para kay Pangulong Marcos kundi para protektahan ang First Family at mga dadalo sa SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 25, 2022.
“That’s something we prefer not to reveal,” ani Zagala.
“As you know, it is not just the President attending the SONA. There will be members of the House of Representatives, the Senate and other guests that will be attending which will be part of the protection that PSG will give during the SONA,” dagdag na pahayag ni Zagala.
Ito aniya ang unang SONA ni Pangulong Marcos at Presidential Security Group (PSG) .
“We are making the necessary coordination with other security agencies, security personnel such as the Philippine National Philippines, Bureau of Fire, and all other agencies that support the Presidential Security Group in securing that the President will have a safe and no incident, untoward incident that will happen during the SONA,” ayon kay Zagala.
” So these preparations are being planned since last week and that we at PSG, we are prepared in coordination with the Philippine National Police so that everything will go around.. smooth, from the time he arrives, he delivers his SONA until he returns to the Malacañang Palace,” aniya pa rin.
Samantala, nananatiling hindi isinasapubliko ng PSG ang iskedyul o kahit na anumang aktibidades na mako-kompromiso ang kaligtasan ng Pangulo.
“But, rest assured that when the day comes that the President will deliver his Sona, you will all know the schedule that day,” ayon kay Zagala. (Daris Jose)
-
Kung si JOHN LLOYD ay may sitcom: BEA, inaabangan ng netizens kung lilipat na ba sa Kapuso Network
SURE na kaya ang pagiging Kapuso talent ni John Lloyd Cruz? Special guest si JLC ni Willie Revillame para sa 6.6 Mid-Year Sale TV Special! ng Shopee at may tsismis na may gagawin din itong TV sitcom kung saan makakatambal nito si Andrea Torres, ang ex-GF ni Derek Ramsay (na bf naman ngayon […]
-
Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome
HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum. Ang selebrasyon ng pasasalamat, na […]
-
Ombudsman kinuwestiyon ang DA at FTI sa pagbili ng mahal na sibuyas
HININGI ng Office of the Ombudsman ang paliwanag ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang malaman ang katwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas […]