PSL beach volley papalo sa Biyernes
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Walong koponan ang magtatagisan sa pagbabalik-aksyon ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na katakdang umarangkada sa Biyernes sa SBMA sand courts.
Mainit na inihayag ni PSL chairman Philip Ella Juico ang kumpirmasyon ng muling pagdaraos ng volleyball tournament sa bansa matapos ang ilang buwan na pagkakaudlot dahil sa pandemya.
Nagawa ito ng PSL sa pakikipagtulungan nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at local government unit sa SBMA.
“We want to thank the teams, especially our guest team PetroGazz, for helping us restart our beach volleyball tournament using a bubble setup,” ani Juico.
Nangunguna sa listahan ang guest team na Kennedy Solar Energy-PetroGazz na mamanduhan nina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares.
Ipaparada naman ng Sta. Lucia Lady Realtors ang dalawang pares nina Bang Pineda at Jonah Sabete, at DM Demontano at Jackie Estoquia.
Desidido rin na magbigay ng magandnag laban ang F2 Logistics (Jenny Mar Senares at Kyla Angela), Chery Tiggo-United Auctioneers, Inc. (Ella Viray at Theresa Ramas), Abanse Negrense 1 (Alexa Polidario at Erjan Magdato), Abanse Negrense 2 (Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva) at Toby’s Sports (Jonah San Pedro at Javen Sabas).
Tiniyak ni Juico na magiging ligtas ang pagdaraos ng beach volley tournament dahil mahigpit na patakaran ang ipatutupad sa buong panahon ng torneo.
-
Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan – Duque
WALANG indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. “Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag ni Duque sa panayam ng Dobol B TV. Paliwanag niya, kung kinakailangan, magkakaroon lamang […]
-
McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown
Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon. […]
-
Ads May 10, 2024