• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSL beach volley papalo sa Biyernes

Walong koponan ang magtatagisan sa pagbabalik-aksyon ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na katakdang umarangkada sa Biyernes sa SBMA sand courts.

 

 

Mainit na inihayag ni PSL chairman Philip Ella Juico ang kumpirmasyon ng muling pagdaraos ng volleyball tournament sa bansa matapos ang ilang buwan na pagkakaudlot dahil sa pandemya.

 

 

Nagawa ito ng PSL sa pakikipagtulungan nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) at local government unit sa SBMA.

 

 

“We want to thank the teams, especially our guest team PetroGazz, for hel­ping us restart our beach volleyball tournament using a bubble setup,” ani Juico.

 

 

Nangunguna sa listahan ang guest team na Kennedy Solar Energy-PetroGazz na mamanduhan nina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares.

 

 

Ipaparada naman ng Sta. Lucia Lady Realtors ang dalawang pares nina Bang Pineda at Jonah Sabete, at DM Demontano at Jackie Estoquia.

 

 

Desidido rin na magbigay ng magandnag laban ang F2 Logistics (Jenny Mar Senares at Kyla Angela), Chery Tiggo-United Auctioneers, Inc. (Ella Viray at Theresa Ramas), Abanse Negrense 1 (Alexa Polidario at Erjan Magdato), Abanse Negrense 2 (Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva) at Toby’s Sports (Jonah San Pedro at Javen Sabas).

 

 

Tiniyak ni Juico na magiging ligtas ang pagdaraos ng beach volley tournament dahil mahigpit na patakaran ang ipatutupad sa buong panahon ng torneo.

Other News
  • Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain

    BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage.     Iniakda ni Pangasinan Rep. […]

  • Ads January 9, 2021

  • Slam dunk ni Norwood sa harap ni Scola pasok na sa 3rd round ng FIBA dunk of the decade

    Pasok na sa ikatlong round ng FIBA Dunk of the Decade ang poster dunk ni Gabe Norwood kay Luis Scola ng Argentina.   Ito ay matapos talunin niya ang entry dunk ni Yi Jianlian ng China.   Nakakuha ng 77 percent na boto si Norwood laban kay Yi.   Dahil dito ay magiging mahigpit na […]