Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act
- Published on December 8, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA).
Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa hinaharap.
Nakatanggap naman ng garantiya ang komite mula kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso na maipapatupad ang MWFA ng may full transparency kapag naging ganap na batas.
Paliwanag nito, magkakaroon ng isang independent auditing firm, Commission on Audit (COA) review, annual reports, congressional oversight, at internal at external reviews para masiguro na nagamit ng maayos at tama ang pondo.
“Ang layunin po natin dito ay magkaroon ng key investment industries and makapag-contribute sa nation-building,” ani Veloso.
Sa naturang pagdinig, ipinaabot din ng ilang grupo ang kanilang pag-aalala sa panukalang MWFA.
Isinulong naman ng grupong Bayan Muna, Professionals for a Progressive Economy, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), at Federation of Free Workers, ang pagbibigay ng unemployment insurance, pagtaas ng sahod at pension, worker benefits, at government assistance.
Inaprubahan din ng komite ang isa pang amendment sa panukala na maglaan ng bahagi ng kita mula sa SSS at GSIS investments para taasan ang benepisyo at pensiyon ng mga miyembro.
Ang panukala ay isinulong nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. (Ara Romero)
-
Pangako ni PBBM, paglago ng industriya ng bigas sa Pinas, titiyakin
TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglago ng industriya ng bigas sa Pilipinas. Bukod dito, sisiguraduuhin din niya na protektado ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka. Nauna rito, ipinresenta ng mga scientists o siyentipiko mula sa International Rice Research Institute (IRRI) kay Pangulong Marcos ang “identified genes” para sa […]
-
DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom
KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes. Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito. […]
-
Netizens, tuwang-tuwa sa ginawang pagpapakumbaba: SHARON, nakipag-ayos at reunited na kina TITO SEN, HELEN at mga pinsan
NAGANAP na rin ang reconciliation sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at ng mag-asawa na si Senator Tito Sotto at veteran actress na si Helen Gamboa pagkatapos na lumamlam na ang ‘election fever’. Last June 11, nag-post si Sharon ng series of photos kasama ang kanyang Tito Sen at Tita Helen, at mga […]