Public safety at security measures sa mga mall, aprubado ng NPD
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
APRUBADO sa Northern Police District (NPD) ang mga hakbang sa seguridad at kaligtasan ng publiko na ginagawa ng mga shopping mall sa mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela at Malabon.
Personal na pinangasiwaan at ininspeksyon ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang security forces ng SM Malls sa Grand Central at Sangandaan sa Caloocan, gayundin ang SM Valenzuela at SM Savemore Market ng Malabon sa general assembly at joint tactical inspection na ginanap sa parking lot ng Grand Central.
“Pinupuri namin ang inisyatiba ng pamunuan ng SM Malls sa pagsasagawa ng kanilang regular assessment sa kanilang security and safety measures na mahalaga para sa interes ng publiko lalo na ang mga mall-goers,” aniya.
Ang aktibidad ay naglalayon sa assessing the security manpower skills upang subukan ang kahusayan sa pagsasanay ng mga frontline staff ng mall sa pagresponde nang ligtas, responsable, at epektibo sa mga emergency na sitwasyon, sabi ng pinuno ng Security Affairs ng SM na si Almus Alabe.
Sa ginanap na event, ipinakita ng mga Emergency Response Team (SMERTs) ng SM ang kanilang kahandaan at paghahanda sa sakuna para sa mga potensyal na panganib na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng customer at pagpapanatili ng negosyo.
Pinuri at ginawaran naman ang mga empleyado at guwardiya na nagpakita ng huwarang pag-uugali sa pamamagitan ng pagsasauli ng pera at iba pang mahahalagang bagay sa mga parokyano ng mall.
“The General Assembly and Joint Tactical Inspection is part of the annual exercise conducted by SM to assess personnel compliance with the company’s security standards and policies and this exercise is observed across all SM Supermalls nationwide,” ani SM’s Senior Vice President for Special Projects Bien Mateod.
Hinikayat din ni Gapas ang iba pang mga shopping mall at supermarket sa kanyang teritoryo na magsagawa ng katulad na mga hakbangin dahil mahalaga aniya mapanatili ang epektibong mga hakbang sa seguridad at kaligtasan ng publiko at kanilang mga manggagawa at mall-goers.
Dumalo rin para siyasatin ang performance ng security force ng malls sina Vice President for Mall Operations Junias Eusebio, Senior Assistant Vice President for Mall Operations Johanna Melissa Rupisan at Senior Assistant Vice President for Customer Relations Services Charleston Tan. (Richard Mesa)
-
International flights ‘wag nang idaan sa Manila – PBBM
HINDI dapat ipilit na dumaan pa sa Manila ang mga international flights na dumarating sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, sinabi ng Pangulo dapat dumiretso na ang biyahe sa mga pupuntahang lugar katulad ng Bohol, […]
-
Aliw na aliw ang mga netizens sa kanilang Instagram post: DENNIS at JENNYLYN, larawan ng masayang pamilya kasama ang tatlong anak
SINA Xian Lim at Kim Chiu ang tunay na “lovers in Paris” dahil doon sila nag-celebrate ng Pasko. Nakakakilig ang mga litrato at video nila habang sweet na sweet na rumarampa sa mga pamosong lugar sa Paris tulad ng Eiffel Tower na bagay na bagay sa magkasintahang tulad nila. And the […]
-
CHR ukol sa drug war report “No malice, we did our mandate”
PINANINDIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang report nito na mayroong paggamit ng “excessive force” laban sa drug suspects at maraming biktima ang di umano’y tumanggi ang nauwi sa pagkamatay na karamihan ay mula sa marginalized communities. “Contrary to remarks that seek to put malice in the crucial work of CHR, our […]