Public schools bilang isolation centers ikinakasa na
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan.
“We are now building more isolation facilities. As you know, the Department of Education has agreed to lend us 50 percent of all schools. While they’re not yet ready for immediate use, we are looking forward to using these as isolation centers,” ani Roque.
Tiwala naman si Roque na madali na lamang para sa pamahalaan na gawing isolation centers ang mga pampublikong paaralan.
“The good thing is that with the public schools, we don’t really need to build structures. We just have to buy beds, linens, and provide for kitchens for these public schools when we use them as isolation centers,” paliwanang pa ni Roque.
Matatandaang noong nakaraang Linggo ay pinayagan ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit sa mga school facility dahil magiging online classes naman ang gagawin ng ahensya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads October 22, 2022
-
Estados Unidos, “looking forward” sa ‘malakas at produktibong relasyon” sa bagong Pangulo ng Pilipinas — diplomat
“LOOKING forward” ang Estados Unidos sa malakas at produktibong relasyon sa magiging bagong Pangulo ng Pilipinas maging sino man ang mananalo sa national elections sa Mayo. Binigyang diin ni Embassy Charges d’Affaires Heather Variava na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay “deeply rooted in shared values and its strong […]
-
Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas. Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso. ”Well maybe this […]