• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public schools na may free Wi-Fi ‘kumonti sa 1.8%’; senador dismayado

WALA pang 2% ng mga pampublikong paaralan ang merong libreng access sa internet Wi-Fi sa Pilipinas ayon sa isang senador — ito kahit limang taon na matapos maisabatas ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act.

 

 

Ito ang pinuna ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa isang pahayag na inilabas ngayong Lunes, matapos ang kanyang interpellation sa panukalang pondo ng Department of Information and Commmunications Technology (DICT).

 

 

“Ang ating mga mag-aaral ang makikinabang dito dahil paiigtingin nito ang pagdaloy ng impormasyon, lalo na para sa mga kababayan nating nangangailangan,” wika ni Gatchalian.

 

 

Sa Free Public Wi-Fi Dashboard ng gobyerno, 860 lang kasi sa 47,421 sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas ang may libreng Wi-Fi sa ngayon. Ang malupit pa rito, kumonti ito kumpara noon.

 

 

Noong Oktubre 2021 daw kasi, nasa 1,190 public schools ang may libreng Wi-Fi na siyang kumakatawan sa 2.5%. Bumaba pa ito sa 945 o 2% nitong Enero 2022. Pagdating ng Setyembre, bumaba pa ito sa 860 schools o 1.8% na lamang.

 

 

Kung pagsasamahin, aabot sa 4,764 sites sa buong Pilipinas ang sites na merong libreng Wi-Fi sa pampublikong sektor sa buong bansa, kasama na riyan ang mga eskwelahan, kolehiyo, unibersidad, ospital, atbp. government offices gaya ng city halls, municipal halls.

 

 

Una nang sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Basic Education kung paano nabigyang diin ng COVID-19 pandemic ang digital divide, lalo na noong ipatupad ang distance learning kung saan kailangan ang maayos at mabilis na internet.

 

 

Sa 2021 survey ng World Bank sa mga low-income households, tanging 40% lang ang may access sa internet. Sa parehong pag-aaral, lumalabas na nasa 95.5% ng mga naturang kabahayan ang gumamit ng paper-based learning modules at materyales.

 

 

Umabot sa P2.5 bilyon ang iminumungkahing pondo para sa 2023 upang ipatupad ang R.A. 10929. Una nang iprinopose sa Senate Resolution 59 na irebyu ng Senado ang pagpapatupad ng naturang batas maliban pa sa Open Distance Learning Act (R.A. 10650).

 

 

Ipinasa ang R.A. 10929 upang magbigay ng libreng internet access sa mga pampublikong mga lugar sa buong bansa. Kasama sa mga layon nitong mabenepisyuhan ang mga public basic education institutions, alternative learning system centers, state universities and colleges at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) technology instutions atbp. (Daris Jose)

Other News
  • Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE

    PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City.     Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.     Batay sa pinakahuling ulat […]

  • PH, US defense chiefs tinalakay ang pagprotekta sa karapatan para “fly, sail, and operate safely and responsibly”sa ilalim ng int’l law

    TINALAKAY ng defense heads ng Pilipinas at Estados Unidos ang protektahan ang karapatan ng lahat ng bansa para “fly, sail, and operate safely and responsibly” sa ilalim ng international law.     Sa isang readout na ipinalabas araw ng Huwebes (Manila time), sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na nagkaroon ng ‘phone […]

  • LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

    NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.     Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.     Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]