• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public servants sa panahon ng kalamidad, community volunteers at medical at essential frontliners, kinilala ni PDU30 ngayong People Power Revolution

KINILALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga public servants na nagbigay ng kanilang tapat at epektibong pamamahala sa local at national levels, sa mga nagsagawa ng rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad, community volunteers, at maging ang mga medical at essential frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic ngayong ipinagdiriwang ang 1986 People Power Revolution.

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mga nabanggit na public servants ang nagsama-sama ng tunay na diwa ng People Power sa pang-araw-araw ng buhay ng bawat isa.

 

 

Kaya dapat lamang ani Pangulo na tularan ang kabayanihan, pagiging hindi makasarili, at pagmamalasakit ng mga public servants habang nagsisikap ang sambayanan na makabawi mula sa kasalukuyang hamon at sumulong patungo sa mas maayos na Pilipinas para sa lahat.

 

 

Aniya pa, 36 na taon na ang nakalilipas nang mangyari ang nasabing kaganapan subalit nananatili pa ring malinaw sa kaisipan ng milyong Filipino na nagtipon sa EDSA ang demokrasyang nabawi ng bansa.

 

 

Ang selebrasyon aniyang ito ay magsisilbi bilang “strong reminder” na sa pagkakaisa, kooperasyon at pananampalataya, walang hindi makakamit ang lahat para sa ikabubuti ng bansa.

 

 

“As we honor the courage and solidarity of those who have come before us and fought to uphold our democracy, let us also honor and thank those who continue to keep alive the legacy of this largely peaceful and non-violent revolution,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Mabuhay ang lahing Pilipino!,” ang pagbati ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan

    ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.     Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.     Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy […]

  • Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA

    SUMIRIT  din ang presyo ng itlog sa ibang bansa.     Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y  kasalukuyang global issue.     Base sa pinakabagong data ng DA,  sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs […]

  • Nakakikilig ang sagutan nila sa Instagram… Sobrang sweetness nina KYLINE at MAVY, hindi na maitago

    HINDI na maitago nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ang sobrang sweetness na meron sila.     Todo kung maka-cheeer si Kyline kay Mavy. Uso na rin yata talaga na suot ng girlfriend ang jersey ng mga jowa nila, huh!     Suot ni Kyline ang jersey ni Mavy kaya matching silang dalawa. Kung todo […]